Chapter 7: Ala-ala sa Tuwina
Maghapong naghanap si Angela ng marerentahang kwarto. Pagod na pagod na siya sa kakalakad. Mabuti na lang ay nakahanap na din siya sa wakas. Medyo may kalayuan ito sa opisina ng boss pero ok na rin iyon at nakamura siya. Maliit na kwarto lang ito. Pero ok na rin. Di kasi siya sanay ng may ibang taong kasama sa kwarto. Inayos niya ang kanyang mga gamit at maya-maya pay nahiga na siya para makapagpahinga.
Kumusta na kaya siya…Di niya maiwasang mainis sa sarili. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon.
“Siyempre,Angela siya lang naman ang bumiyak ng pakwan mo!!!Galit niyang turan sa sarili. Sa kakaisip ay di na niya namalayang nakatulog na pala siya.
“Ohhh….sege pa….ohhhhh” mahina niyang ungol….malapit nako…bilisan mo pa..ohhhhhh!!!!”
“Masarap ba..Angela…”sabi ng lalaki.
“Ohhhhh”lalo pa nitong binilisan ang pag-ulos. Napakapit siya sa batok nito. Sabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan.
“I love you babe” at hinalikan siya nito ng marahan..Napatingin siya rito…
“Ikaw????”!!!!!!Biglang napabalikwas ng bangon si Angela.Pawis na pawis siya.Bakit ganon ang panaginip niya? Bakit niya napanaginipan si Troy?
Lunes ng umaga,sakay na ng pampasaherong jeep si Angela. Makakadalawang sakay pa siya bago marating ang opisina ng bagong boss. Unang araw niya kaya dapat magpakita siya ng magandang performance.Natuwa naman siya dahil maaga niyang narrating ang opisina. Naghintay na lang siya doon. Di nagtagal ay nagsidatingan na ang ibang mga empleyado.Maya-mayay pinatawag na siya ng sekretarya ng boss.
“Miss Reyes, congratulations and welcome to our company!!!”Mainit nitong bati sa kanya. Agad naman nitong ipinaliwanag sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Maingat naman itong inintindi ng dalaga.
Tahimik lang na nakamasid si Troy sa dalagang inoorient ng kanyang secretary. Mukhang seryoso ito sa trabaho. Napabilib naman siya dito dahil maaga itong dumating.
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakagamayan na ni Angela ang trabaho. Pormal silang dalawa ng boss kapag magkasama. Lubusan na nga sigurong kinalimutan ng lalaki ang minsay nangyari sa kanila. Pero hindi si Angela.Gabi-gabi ay bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila. Para itong masamang panaginip na ayaw siyang tigilan.
“Magboyfriend kana kasi Gela” Tudyo ni Daisy. Ito ang naging close niya sa opisina PA rin ito tulad niya. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ni Angela sa kaibigan.
“Sa wala nga kasing nanliligaw eh” sabi na lang niya.
“Meron kaya, di mo lang pinapansin.” Napairap pa ito. Alam niya kong sino ang tinutukoy ng kaibigan. Si Lester iyon, ang kaopisina nilang gwapo rin naman. Pero hindi talaga magawa ni Angela na umibig dito.
“Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo Lester.”prangka niya rito.Ayaw niya itong paasahin sa wala.
“Darating di yon”Wait ka lang.Don’t worry bridesmaid kita talaga!!!!!!,sabi na lang niya.
“Ha???Baka ako pa ang mas mauna sayo???”ganting biro naman ng kaibigan sa kanya. Hindi naman malayong mangyari yon dahil halos isang taon na rin mag on ito at ang nobyo.
“Ano pa nga ba kasing hinihintay mo?Bakit ayaw mo pang mag I do “dyan sa boyfriend mo???
“Basta malapit na girl…hehehehe”napahagikhik pa ito.
Sabay na silang sumakay ng jeep ng kaibigan.
Nakita naman ni Troy ang dalawang empleyadong papaalis na.Narinig din niya ang usapan ng dalawa. Bakit nga kaya hindi niya nakikitang nagboboyfriend si Angela. Maganda naman ito.Mas lalo pa ngang gumanda,nahiyang ito sa siyudad. Alam din niyang maraming humahanga sa babae. Ramdam niya ito lalo na kapag sinasama niya sa mga pormal na meetings ang babae.Marami sa mga ka meeting niya ang sumisipat rito ng may kahalong pagnanasa.
Napakapa siya sa kanyang bulsa. Nakapa niya rito ang singsing na binili kanina.Aayain na naman niya si Monique ngayon,disidido na talaga siya. Hindi na siya bumabata.Gusto na rin niyang magkapamilya.