"Bakit pumasok kapa? Ang tigas talaga ng ulo mo." Inirapan lang ni Hestia si Eros nang salubungin siya nito sa gate ng school. Inayos niya ang librong dala saka binalingan ito. Kumunot ang noo niya nang makita ang pasa sa mukha nito. "Saan galing 'yan?" Nagtatakang tanong niya habang pigil ang sarili na hawakan ang pasa nito. Nag-iwas naman ito ng tingin sakanya saka namulsa. "Wala... 'wag mo ng pansinin 'to." Nakangiting sabi nito saka muling tinitigan siya. "...hindi ba sinabi ko sayo na 'wag ka munang pumasok dahil sariwa pa 'yang sugat mo? Ang tigas din ng ulo mo." 'Hayy... eto na naman siya..' "Malapit na ang exam Eros kaya kailangan kong mag-prepared." Sabi niya dito. Natigilan naman ito saka ngumiti na ipinagtaka niya. "Oh? bakit nakangiti ka diyan?" Tanong

