Panay pa rin ang tambol ng dibdib ni Hestia habang unti-unting binubuksan ang butones ni Eros. Nararamdaman niya ang mga tingin nito at ang pagsilip sa mukha niya. Hindi pa rin naalis sa isip niya ang nangyari kanina. Ano ng mukha ang ipapakita ko sakanya?! Bwisit naman kasi! Nahinto siya sa pagbubukas ng butones nito nang nasa malapit na tiyan na siya nito. Nasilip niya ang abs nito, nakagat niya ang labi kasabay ng panginginig ng kamay. Bakit kasi ako pa ang inutusan ni mama! Napapitlag siya nang hawakan ni Eros ang kamay niya. "Gusto mo tulungan kita?" Nakangising sabi nito. Inirapan niya ito saka pinalo ang kamay nito. "Tutusukin ko na yang ilong mo!" Naiinis na sabi niya saka tinuloy ang ginagawa. Nakahinga siya ng maayos nang matapos na rin siya. Tinulungan ni

