Anino "Wait for me..." Malinaw na mga salita, ngunit ngayon lamang tumimo sa utak ko. Mga salitang huling binitiwan ng lalaking nakasama ko kanina bago ako talikuran. Iniwan niya ako sa loob ng silid na ito. Matapos akong maingat na bihisan at halikang muli sa labi ay tumalikod na siya at iniwan ang mga katagang iyon na umuukilkil sa isip ko. Nakatingin ako ngayon sa pintuan kung saan naglaho ang lalaki. Ano nga ba ang nangyari? Sino ang lalaking iyon? Bakit ko ibinigay ang sarili ko sa kanya? Hindi ako makapaniwalang hinawakan pa ang sariling labi na pakiramdam ko ay may naiwan dito ang lalaki. Tinitigan ko ang nakasaradong pinto. Dapat ko bang hintayin ang hindi nakikilalang lalaking iyon? "I don't want to end this night...please, wait for me..." Napakagat-labi ako habang paulit-uli

