Sundo Nahagip ng aming mga mata ang biglang pagtiim bagang ni Jery na naging dahilan para matigil siya sa pagkain. Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya, nararamdaman ko na may bahid ng lungkot ang buhay niya, at ng kanyang kapatid. "Mabuti pa ay kumain na lang tayo." Pilit iniba ni mama ang usapan. Nilagyan pa niya ng ulam ang plato ni Jery. Parang anak niya na pinagsisilbihan. Humingi ng paumanhin si Jery sa mga magulang ko. Mula sa simula nang maatrasan niya ako hanggang sa ospital. Sa halip na mag-alala at magalit, nagpasalamat pa ang mga magulang ko sa kanya. Maging si papa ay giliw na giliw kay Jery. Nagmamasid lamang ako pero ewan ko, para kaming isang pamilya. Na tila matagal nang magkakakilala. Para bang merong nakapagkit na magneto kay Jery na kahit mga magulang ko ay

