“Kumakain ka ba nun sir?” umarko ang labi ni Sir. “Kung kakainin mo then kakainin ko din” tumango ako. “Okay” sabay lakad ko palayo. Rinig ko ang pagsarado ni Sir sa sasakyan niya. “Wait, saan ka pupunta?” habol niya sa akin sabay lakad sa tabi ko. “Diyan lang sa kanto yung goto, malapit lang sir. Pwedeng lakarin” ang totoo ay tinatamad akong sumakay sa sasakyan niya kaya lalakarin ko na lang. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin ni Sir sa akin pero hindi ko yun pinansin. “Fine” Tahimik lang kaming naglalakad ni Sir, laking pasasalamat ko na hindi ito nagsalita pero nakakailang pa din kasi kanina pa siya sulyap ng sulyap sa akin. Napatingin ako sa dumaan na sasakyan sa gilid namin. “Dito ka” nilingon ko si Sir. “Po?” “Anong po? Huwag mo akng simulan sa pagkamagalang mo”

