Chapter Eleven

1868 Words
Ilang linggo ang lumipas ay wala paring kupas ang pagmamahal ni tizer sa'kin. Naging subrang seloso na sya pagdating sakin, naiinis rin sya sa mga tao sa paligid ko, ewan ko ba sa trip ni tizer, masyado na syang possesive. "Nandito na tayo" Aniya at bumaba ng kotse. pinag buksan nya ako ng pinto at agad naman akong bumaba. Nandito kami sa hospital ngayon, dadalawin daw namin yong mama nya na maya sakit daw, nagulat nga ako nang malaman ko. pag pasok ko sa room ay unang bumungad sa'kin ay ang ate nya, napangiti sya nang makita si tizer pero biglang nag iba ang kanyang ekspresyon nang makita ako, napa yuko nalang ako, lumabas sya nang room at di kami pinansin, halatang galit talaga sya sa'kin. Lumapit kami sa mama nya at ramdam ko ang malakas na pag hawak nya sa kamay ko, mahimbing lang na natutulog ang mama nya at mukhang pagod na pagod ito. "Anong sakit ng mama mo?" bigla kong tanong sa kanya, tumingin sya sa'kin at kita sa mata nya ang lungkot, may luhang namumuo sa mata nya. "Meron syang brain cancer, malala na ito dahil matagal na nya pala itong dinadala" malungkot na sagot ni tizer sa'kin. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, parang ang lakas nya pa noong pumunta ako dito, nakaka lungkot lang isipin na may ganito pala syang karamdaman. "Kailan pa ito?" Tanong ko, hindi ko naman mapigilang mag tanong. "Noong nakaraang araw pa, bigla raw kasi sumakit ng ulo nya at nahimataw daw" paliwanag nya, napa buntong hininga ako at nag-iisip kung ano ang pwede kung gawin para mapagaan ang loob nya. Alam ko kasi na walang gamot para ganyang sakit, may tanim na ang buhay ng mama nya, nakaka lungkot lang isipin, mahal na mahal kasi ito ni tizer, napa mahal na nga rin ako sa mama nya. "Bakit di mo agad sinabi sa'kin?" tanong ko uli pero di sya sumagot, nag taka tuloy ako pero hinayaan ko lang, naintindihan ko naman ang kalagayan nya. *** Nag paalam muna ako kay tita at kay tizer na uuwi na ako dahil nag text na si mama, kahit galit sa'kin si ate veronica ay nag paalam parin ako as respect. Hinatid lang ako ni tizer sa bahay tapos pina uwi ko na sya agad, mas kailangan sya ngayon ng mama nya eh. Nagulat naman ako nang sumakubong si tatay sa'kin kaya agad ko syang niyakap. "Akala ko next month kapa uuwi tay?" tanong ko kay papa, ngumiti lang sya, pansin ko rin na parang may problema. "Pa? anong nangyari? may problema ba?" tanong ko sa kanay, nag iba yong ekspresyon nya at umuponsa sofa. "Yung Grocery store kasi nak ipinasara eh, kaya eto maghahanap ako nang trabaho" Malungkot na sabi ni papa, napa buntong hininga ako. "Okay lang yan tay, may mga kompanya naman dito na nag hahire nang client eh, mas malapit pa" masayang sabi ko kay tatay, ngumiti namn sya. "Oo nak, bukas na bukas ay maghahanap na agad ako" aniya at ngumiti. Lumapit si mama na may dalang snacks kaya kumain muna kami. Sunday pala ngayon at bukas ay papasok na naman ako sa school. Napa tayo ako nang biglng tumawag si tizer sakin, agad ko naman sinagot. "Oh?" bungad ko. "Wala, namiss ko lang boses mo" sabi nya at tumawa ng mahina. "kasama naman tayo kanina ah? miss agad?" "Oo nga, pero gusto kita kasama palagi eh, everyday and every hour and every minutes and every second eh" aniya. Napa kagat ako sa kuko ko dahil sa kilig, iba na talaga si tizer eh, subrang clingy na nya at subrang sweet sakin simula noong maging kami. "loko! segi bantayan mo na mama mo dyan" rinig ko ang mahinang tawa nya kaya di ko naman mapigilang mapangiti, ang gwapo kasi pakinggan ng tawa nya eh, nakakainlove. "Okay segi, bye and i love you!" sigaw nya, nag pigil ako nang sigaw sa subrang kilig. "Segi, good bye" pabebe kong sagot. "Wala bang i love you too?" "I love you too, okay na" "I love you more, take care! bye" at pinitol na nya ang tawag. Pumasok agad ako sa kwarto at tumalon talon sa subrang kilig, hinampas hampas ko yong unan ko, para tuloy ako baliw na nag wawala dito. *** Maaga akong nagising dahil good mood ako. Naligo muna ako at pagkatapos nag bihis ng uniform. Matapos kong manalamin ay lubas na ako ng kwarto at bumaba. Laking gulat ko nang makita si tizer na kumakain sa sala habang masayang nakikipag kwentuhan kay mama at papa, napangiti ako nang di sa oras, napansin naman nila ako kaya bumaba na ako at umupo. "Kumusta ang tulog mo? napanaginipan mo ba ako?" nanlake ang mata ko sa sinabi nya. "Umayos ka nga tizer, andyan si mama at papa, baka marinig ka" sabi ko pero tumawa lang sila. Pagkatapos naming kumain ay nag paalama na kami kay mama at papa. "Kumusta na ang mama mo tizer?" tanong ko sa kanya, lumingon sya sakin habang nag maneho at ngumiti, kota sa ngiti ang lungkot nya. *** "Talaga? kawawa naman pala si bb tizer ngayon" tumango lang ako sa sinabi ni dina. Nandito kami sa may bech sa school tumatambay habang kinukwento sa kanila ang nangyari. "Beh asan si Tj? Di ko ata nakota ngayon?" tanong ko sa kanila, ang weird na talaga nang baklang yon, hindi na kasi sya masyadong sumasabay samin eh. "Aba ewan ko don, nakita ko nga sya sa bar kagabi eh, umiinom" sabi naman ni dina. "Anyare don?" ani dina. "Haay, segi mga teh, mauna na ako at marami pa ang gagawin ko ngayon" paalam ko sa kanila. *** Uwi-an na at naka tayo ako ngayon dito sa gate habang hinihintay na lumabas si tizer, kanina ko pa sya tinetext ngunit wala man lang response, naiinis na ako sa kanya. Nabuhayan ako nang makita si tizer pero nagulat ako nang makita ko na may kasama syang babae na nagtatawanan. nang makita nya ako ay agad syang lumapit at umakbay sakin. Pag pasok namin nang kotse ay agad ko syang tinanong. "Sino yon?" tanong ko. "Wala yon, si diva lang, sumabay syang lumabas" paliwanag nya, naka hinga naman ako nang malalim. mabuti at kilala ko si diva. "Dumeretso muna tayo sa hospital, bibisitahin ko lang saglit si mama" Sabi nya at tumango naman ako. *** Pag pasok namin ay unang sumalubong ang lalakeng naka tayo habang tinitingnan si tita, nang mapansin nya kami ay lumingon sya samin at ngumiti, saka ko lang napansin na hawig ito ni tizer, siguro nasa 50's sya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni tizer sa lalake. "Tizer, nak, pwede ba tayong mag usap?" "Don't call me 'nak', hindi kita ama" sa sinabi ni tizer ay lumabas muna ako. Rinig kung sinisigawan ni tizer ang ama nya sa loob, hindi ko masisisi si tizer. "What are you doing here?" napa lingon ako sa nag sasalita at nagulat ako nang si ate veronica pala ito. "Magandang hapon po, uhm... bumisita lang kay ti----" "You can go now, she don't need your presence" napa yuko nalang ako at nag lakad palabas. *** Pag pasok ko sa bahay ay bumungad ang malungkot na mukha nila mama at papa, mukhang problemado sila. Nag mano muna ako sa kanila at umupo pagkatapos. "Ma, pa, anyare? ba't ganyan ang hitsura nyo?" tanong ko sa kanila. "Hindi kasi natanggap ang papa mo nak, marami na syang in-apply na kompanya kaso walang tumanggap" bumuntong hininga ako at napa tingin sa labas. "Titigil muna siguro ako ng pag-aaral pa" napatingin sila nang masama sa'kin. "Anong titigil? tatapos ka ng pag-aaral, tsaka makakahanap rin ako noh" sermon ni papa sa'kin, napa buntong hininga nalang ko at nag-iisip kung paano ako maka tulong. Umakyat muna ako ng kwarto at nag bihis. Nag open muna ako sa mga social media's ko para maka update. Scroll lang ako ng scrool sa Twitter nang biglang may nakita akong hiring na model. Agad ko ito tinapp. Naka lagay ang buong details kung paano maka apply, nag hahanap sila ng 16-20 years old na lalake na may 5'6-5'9 na height, subrang natuwa ako lalo na nang makitang nasa kabilang syudad lang ito. Matapos kong mag fill-up ay bumaba na ako dahil tinawag na ako ni mama para kumain. *** Pagkagising ko ay agad kung kinuha ang phone ko para e-check kung na approve ba yong request ko pero wala pa. Biglang nag chat si tizer sakin kaya binasa ko ito. "Good morning sugar ko!" Napa ngiti ako sa aking nabasa, nakaka good mood naman itong bumungad sakin, nakakaganang mabuhay. "Good morning din" "Anong ginagawa mo?" "Naka higa" "Maligo kana, on my way na ako papunta sa bahay nyo" Napa tayo ako dahil sa chat ni tizer. Agad akong nag tungo sa banyo at naligo. matapos kong gawin ang kailangan kong gawin ay bumaba na ako para makakain, at gaya nang inaasahan ko ay nandito si tizer habang nag-uusap sila ni papa. "Nak, kain na kayo" sabi ni mama at nilapag ang sinigang na manok, natakam ako kaya kumuha na ako nang kanin at nilagay sa pinggan. "Sugar, here come's the airplane!" Itinaas nya ang kotsara at itinapat sa mukha ko, umiling ako. "Ano ba! andyan si papa oh, baka ano isipin nya" "Pwes, alam na nya" nagulat naman ako sa sinabi nya, napatingin ako kay papa na naka ngiting naka tingin samin, nahiya tuloy ako. *** Naka tayo ako sa may bench habang tumitingin sa paligid. Hinihintay ko sila dina at shery kasi sabi nila ay ililibre daw kami ni tj ngayon dahil may good news daw ito. Sa di kalayuan ay nakita ko sila na nag lalakad papunta sa kinaroroonan ko, nag wave sila kaya nag wave rin ako pabalik. "Mukhang good mood ka ngayon liam ah" ani dina sabay kurot sa tagiliran ko. "Ano ba! masa ba ang pagiging good mood hah! tsaka asan yong bakla?" nag tinginan sila. "Ahh, oo nauna na kasi may ipapakilala raw sya sa'tin" sabi ni shery. "Mukhang lumalove life na ang bakla" ani dina at tumawa. Well i'm happy fir tj, kaya pala hindi na sya palaging nag papakita samin dahil may love life na sya. *** Pag dating namin sa Starbuck ay umorder muna kami habang hinihintay si Tj. Maya maya ay nakita namin sya kaya kumaway kami, mahigpit ang hawak nya sa braso ng lalake na subrang tangkad as in, ang gwapo pa! pero syempre mas gwapo pa boyfriend ko. Umupo sila sabay sa harapan namin, mukhang inlove na inlove ang bakla. "Guys, this is ricardo, boyfriend ko, babe, sina dina, shery at liam" pakilala ni tj sabay yakap neto. "Hi, nice to meet you" sabi namin tatlo, ngumiti sya na mas lalong nag pa gwapo sa kanya, nainggit naman sila dina at shery, di ko tuloy mapigilang matawa. Napatingin ako sa boyfriend ni tj nang mapansing naka tingin ito sa'kin, nailang ako dahil sa mga titig nya kaya nag open ako ng topic. "So kailan naging kayo?" tanong ko, naging uncomfortable parin ako kasi naka tingin parin ito sa'kin. "Noong last week" sabi ni tj at hinalikan sa pisngi ang lalake, ngumiti lang ito tumingin uli sa'kin. Hindi ko nalang ito pinansin at nakipag kwentuhan nalang sa kanila. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD