nagising ako sa ingay ng boses ni mama, parang may kausap sya sa baba kaya napag desesyonan ko nang bumaba. nanlake ang mata ko ng makita si tizer, simple ang ang suot nya pero attractive.
"Good morning" bati nya. bago pa sya maka lapit ay lumayo na agad ako, tumaas yung kilay nya.
"Good morning din" bati ko rin pabalik saka nag tungo na ng bathroom.
matapos kong mag prepare ay umupo na ako para kumain. kumain narin si tizer, kapal talaga ng mukha, nag papabuhay ba to?
matapos kaming kumain ay nag paalam na kami kay mama. pag labas namin ng bahay ay sumalubong agad ang pulang kotse ni tizer sakin, napa nganga ako ng makita ito, subrang ganda at ang kintab, imaginin nyo yun sasakay ako dito? Ang taray.
pinag buksan ako ni tizer ng pinto at syempre pumasok agad ako, choosy pa ba ako? eh first time kung maka sakay ng ganitong kotse eh kaya dapat hindi ko sayangin ang pagkakataon na'to.
nag simula ng mag patakbo si tizer at syempre feeling mayaman naman ako, nasa front seat ako naka upo habang naka tingin sa labas, grabe kahit sa loob ay maganda rin, magkano kaya to? mas mahal pa ata to keysa sa'kin.
"Flower's for you" nagulat ako ng bigla nya akong abutan ng rose, nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi, ene be tizer, nakakakilig nemen.
"P-para saan?" nauutal kung tanong, na aawkward narin ako sa mga tingin nya, para bang nang-aakit.
"Syempre nangliligaw ako remember?" namula ang buong pisngi ko, subrang kinilig ako, kinilig ata pati atay ko.
"Ah salamat ah" sabi ko lang at kinuha yung rose, inamoy ko muna ito at tapos napangiti, kakilig subra. rinig ko ang pag tawa ni tizer kaya tiningnan ko sya ng masama. "Anong nakakatawa?" taas kilay kong tanong.
"Nothing... ang cute mo kasi" mas lalo akong namula sa sinabi nya, ayan na naman sya tumatawa, hubby nya talaga yon? Marami kasi ang nag sabi na maraming nahuhulog kay tizer dahil sa tawa nya, pero not me. para nga syang demomyo eh.
makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang school. papasok palang kami ay pinalibutan kami ng mga babae, siguro alam nila na si tizer ang nasa loob, kinabahan tuloy ako. siguradong pag chi-chismisan ako neto.
"Let's go" aniya pero di ko magawang lumabas, natatakot ako.
"H-hindi pwede, maraming makakita sakin at siguradong magagalit sila" paliwanag ko kay tizer, tinapik nya ang braso ko na para bang ipinahiwatig nya sakin na nandyan lang sya palagi.
"Don't mind them, ikamamatay mo ba ang galit nila? hindi naman diba?" mas lalo akong napa lunok. maraming nag kakagusto kay tizer, at alam narin ng buong school kung ano ang tunay kung kulay. hindi naman talaga ko ganito dati eh, pero simula nong ganyang umasta si tizer ay mas lalo na akong naging bakla, ayaw kung husgahan nila ako without knowing my story, natatakot ako.
Huminga ako ng malalim, 10 minuits nalang at mag sisimula na ang klase, wala na akong ibang choice kundi ang bumaba.
unang bumaba si tizer at rinig ko yung mga sigawan ng mga babae. eh nakita lang nila na maganda ang dalang kotse ni tizer eh ganyan na sila maka sigaw. huminga muna ako ng malalim. dahan dahan akong lumabas at nang makita nila ako tumahimik bigla, yumuko nalang ako sa hiya.
"What? kasama ni tizer yang baklang yan?"
"I can't believe this!"
"ang Feeling naman nya"
"Nadumihan tuloy yung kotse ni tizer"
"alam ba nya kung gaano yan ka mahal?"
"Gold digger"
rinig na rinig ko ang bulungan sa paligid, gusto kung mag palamon ng lupa sa subrang hiya, may iba kinuhanan ako pictures, at may iba naman ay nandidiri, eto na nga ba ang sinasabi ko eh, ito talaga ang kinatatakutan ko.
"Let's go" tumingala ako para makita si tizer, kita sa mata nya ang pagkaawa, gusto ko ng umiyak.
hinila ako ni tizer papuntang room namin, at pag dating namin doon ay umupo na kami, wala masyadong tao kaya di ko na mapigilan pa at umiyak, hindi ako makapniwala sa mga naririnig ko, hindi ako ganong tao at lalong hindi ako gold digger, mahirap lang kami pero hindi ako ganong klaseng tao. niyakap ako ni tizer at doon ay naka ramdam ako ng comfort, humiwalay lang ako nang maalalang nandito pala kami sa paaralan, Ang OA ko masyado, nakakahiya kay tizer.
pumasok na yong guro namin at iba ko pang mga kaklase. nang mag simula na ang klase ay tahimik akong nakinig, nakatingin ako sa guro namin pero ramdam ko ang mga masasamang titig ng mga kaklase ko. di ko nalang sila pinansin at nakinig nalang, mamatay sila sa kakatitig sakin.
sa wakas ay natapos narin ang buong klase at break time na. wala akong planong lumabas pero nang makita ko sina shery at dina sa labas ay lumabas nalang ako.
"Liam? sabay ako ah" biglang sabi ni tizer. liningon ko sya.
"Wag na, mas mabuting lumayo ka muna" tiningnan ko sya at nginiti-an para naman di sya malungkot, pagkatapos ay umalis na kami nila dina at shery.
"Ang taray ah!" sinapak ni dina yung balikat ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"By the way, kalat ka ngayon sa buong school" nag alalang sabi ni shery, siguradong pinag pepeyestahan na ako ng mga tao dito.
"I know... mas mabuti sigurong layu-an ko muna si tizer" malungkot kung sabi. Oo mahal ko na si tizer, pero hindi dapat maging ganto, nangliligaw pa nga lang sya tapos ganito na agad ka gulo ang nangyari.
"Hindi mo naman siguro kailangang gawin yan" sabi ni dina. tumingin ako sa malayo at iniisip ang pwede kong gawin.
"Di nyo ako naiintindihan eh" mahal ko si tizer, pero mas nagingibabaw ang takot ko, ayaw kung husgahan ng maraming tao.
"Sigi ka mag sisi ka nyan sa huli. tandaan mo, maraming nag kakagusto kay tizer" pabirong sabi ni dina, napailing nalang ko.
"Wag na nga nating pag usapan yan, mas lalo lang sasama ang pakiramdam ko eh" sabi ko saka nag mamadaling nag lakad.
***
uwian na at gaya nang dati naka abang si tizer sa gate sakay ang pula nyang kotse.
"Let's go" sabi nya pero di ko pinansin, mas nag mamadali akong nag lakad para di nya ako mahabol. Hindi ko muna sya papansinin ngayon. "hey? anong problema?" malungkot nyang tanong.
"Wala, sigi mauna kana at may gagawin pa ako" sabi ko kanya at mas lalo ko pang nilakasan ang pag lalakad ko na para bang tatakbo na.
"Segi, antayin na kita" huminga ako ng malalim, ang tigas rin ng kokote ng lalakeng to eh.
"Wag na, tsaka aantayin ko pa sila dina" palusot ko, sa totoo lang nauna na sila dina at shery, at hindi rin pumasok si Tj.
"Sumabay nalang kayo sakin" mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi nya.
"Tizer ang kulit mo rin eh no?" huminto ako sa pag lalakad at hinarap sya. gusto ko syang sigawan pero di ko magawa.
"Ganon talaga yun basta nangliligaw" naka ngising sabi nya.
"Haaayy! di mo ba ako naiintindihan tizer hah?!" sigaw ko kay tizer dahil talagang naiinis na ako sa kanya, hindi ko na kinaya ang galit ko.
"Then tell me kung ano ang kailangan kung intindihin" seryosong sabi nya.
"Kita mo naman siguro ang nangyari kanina diba? pinag pepyestahan narin ako ng mga estudyante dito at kung ano na yung mga masasakit na salita ang sinasabi nila" paliwanag ko kay tizer, parang balewala lang sa kanya ang sinabi ko.
"Hayaan mo na sila, mag sasawa rin ang mga yan" napa face palm ako.
"Ewan ko sayo tizer" ang tigas ng ulo nya. nag lakad nalang ako, rinig ko yung pag tawag nya sakin pero di ko sya pinakinggan, mas mabuting ganito nalang muna.
nang makahanap na ako ng jeep ay sumakay na ako, ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, ang hirap pala ng ganito, sana nong mas maaga pa ay hindi ko hinayaan ang puso kong mahulog ng tuluyan sa kanya. Ang hirap ng pinasok kong to, lalo na't maraming naka harang sa pagitan naming dalawa.
nang makarating ako ng bahay ay dumeretso na ako sa kwarto, walang katao tao ang bahay, siguro nag go-grocery si mama.
kinuha ko ang cellphone ko at in-open. nag silabasan ang mga tags notification na ikinagugulat ko, maraming naka tag sakin sa f*******: at tumambad sakin ang nangyari kanina.
In-off ko ang Cp ko at tinapon, bahala na kong mabasag, galit ako ngayon. lumabas muna ako ng kwarto at nag naligo, mag papalamig muna ako kasi subrang sakit ng ulo ko.
In-off ko yung shower nang may biglang kumatok, lumabas ako nang naka tapis lang.
binuksan ko ito dahil sa pag-aakalang si mama lang ito pero laking gulat ko lang ng makita ko si tizer, may dala syang mga bulaklak at chocolates, halatang hindi pa sya naka bihis. Naka ngiti sya habang naka tingin sakin.
isasarado ko na sana ito pero pinigilan nya ako, at dahil malakas sya ay nagawa nyang buksan ang pinto, pumasok sya na walang pahintulot ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"can we talk?" malamig nyang sabi pero hindi ko sya sinagot at umakyat muna ng kwarto. "Kinakausap kita tizer" patuloy ko syang hindi pinakinghan at tuloyan na ngang naka pasok ng kwarto.
hinubad ko yung saplot ko at laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto kaya napatalon ako.
nanlake ang mata ko ng makita ko si tizer na naka titig sa mga paa ko, tinakpan ko ang aking private parts at sinamaan sya ng tingin.
"ANONG GINAGAWA MO DITO BUWESIT KA! LUMABAS KA NGAYON DIN!" sigaw ko sa kanya pero naka titig parin sa mga paa ko. tumingin ako sa paligid at hinanap yong tuwalya ngunit masyado atang napalakas ang tapon ko. kumuha ako ng damit ko at dali daling tinakpan.
"Ah-ouhm- a- a" naka nganga parin sya kaya ang ginawa ko at pinag babato ko sya ng mga damit ko at nang matauhan sya ay lumabas narin, namula ko sa subrang hiya! nakita na nya yung buong katawan ko na 17 years kung itinago except kay mama at papa ko.
Buweset na tizer yan! nakakainis!!!