NAPABALIKWAS ako ng bangon at tinungo ko agad ang banyo at agad naisuka ang gustong lumabas sakin sikmura. Paglabas ko ng banyo nakatingin sakin at nakataas ang noo. humiga ulit ako sa tabi nya't siniksik ang muka ko sa dibdib nya inamoy amoy ko rin ang kanyang kili kili na para bang tinatawag ako nito na amoyin ko sila ang sarap sa pakiramdam ng amoy nito at di ko maiwasan.
"Okay kalang may masama ba sayo punta tayo doctor " Tanong nya habang nakayakap sya sakin may halong pagaalala naman ang muka niya napatingin kasi ako sa kanya sa tanong nya sakin.
"Hindi okay lang ako" sagot ko sa kanya.
"Congratulation your 5 weeks pregnant" Nakangiting sabi ng doktora nakahiga ako sa bed ng isang clinic , ang una ay tinanong nya ko kung nag PT na ko sabi ko hindi pa kaya naman pinahiga nya ko sa isang bed at naglagay ng konting gel sa tiyan ko at may isang aparatong ginalaw galaw sa ibabaw ng tiyan ko. Nung Una natuwa ako pero ng makita ko ang expression ng kasama ko na nakatingin at nakakunot di ko alam kung natutuwa ba sya o ayaw nyang buntis ako. Nawala ang tuwa sa mga muka ko sa nakita ko sa kanya, Bumili muna kami ng mga gamot vitamins at gatas bago umuwi. tinuloy nya ko sa condo niya andoon na daw ako tumira tatawag nalang daw kami samin para kumuha ng gamot ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama di parin kumikibo si John at di parin nya ko tinatanong kung ano ba talaga ang pakiramdam niya ni hindi nya ko tinatabihan na sa kama lagi syang sa guest room natutulog simula ng malaman nyang buntis ako,mali bang nagbuntis ako ayaw nya ba tong dinadala kokung ayaw nya aalis nalang ako dito .Nang bigla nalang akong naluha sa naisip ko mahinang hikbi ang lumabas sa mga bibig ko.
"Okay lang si mama anak, pakalusog ka sa tummy ko ha ilove you" Hinimas himas ko ang tiyan ko. Nalulungkot ako sa sitwasyon namin ni John. Nang bigla syang pumasok at dumeretso lang sa walking closet muka syang bago paligo dahil na rin sa tubig na tumutulo sa balikat nya mula sa buhok nya.
----
Kinabukasan nagpasya akong umuwi nalang samin tutal wala naman si john ngayon at pumasok sa opisina. Nagiwan lang ako ng letter sa pinto ng kwarto't dinikit doon. Pagdating ko sa bahay naabutan ko sila nanay nanunuod ng tv. binati ko lang sila at pumasok na ko sa kwarto ko ng may kumatok sa pintuan ko.
"Nak pwede ba kita makausap" tinig ni nanay ang naririnig ko.
"opo nay" niluwa ng pintuan si nanay na nakangiti sakin.
"May problema ba anak?"Umupo muna ako bago ko sinagot umiling lang ako sa kanya at nakangiti ng ilaw.
"Sigurado kaba diyan anak?"
"opo "
"Di ka nya hinatid"
"Hindi na nay kasi pumasok sya sa trabaho mgayon"
"Ganun ba, kumain kanaba"
"Opo nay"
"Sige na labas nako para makapahinga ka" Paglabas ng kwarto ni nanay ay doon lang ako napabuntong hininga sa hangin. Lumipasang araw ay di parin ako tinatawagan ni John. Lumipas pa ang isang linggo ngunit ni anino nya'y hindi ko man lang nasulyapan ang dami kung cravings na gusto kung kainin nawala na rin ang pagsusuka ko sa umaga. Inamin ko kanila nanay na nagdadalang tao ako at di nako makakabalik pa sa canada naintindihan naman nila yun at natuwa at magkakaapo na sila tinatanong din nila si john sinasabi ko nalang na busy ito sa work.
5 MONTHS na ang tiyan ko nakaupo ako sa kusina at kumakain ng caldereta at kanin ito ang gusto kung kainin ngayon tanghalian si nanay naman ay nagaayos ng mga halaman niya pinauna na nya ko kumain at busog pa daw sya. Naramdaman kung nagbukas ang pintuan at di kuna nilingon yun baka kasi si nanay lang may naamoy akong manly scent na pamilyar sakin pangamoy di parin ako lumingon at tuloy lang sa pagkain ko.
"Babe" Umupo sya sa katabi kung upuan at nakikita ko sya sa peripheral vission ko. di parin ako tumitinag na tignan sya bakit ngayon lang sya nagpakita sakin 5 months na tong tiyan ko kala ko nga tinapon na ko nito o kinalimutan na sa tagal alam naman nya sigurong magkakaanak na kami.
"Babe Sorry i miss you so much" Pagpapatuloy nya pero di parin ako tumitingin sa kanya. Tumayo ako para hugasan ang pinggan na ginamit ko ramdam kung nakatingin lang sya sakin sa likuran. Naglakad ako para pumunta na sa kwarto ko ng hawakan nya ko sa palapulsuhan at hinigit palapit sa kanya nilagay nya ang kamay nya sa likod ko't yakap yakap ako. Aaminin ko namiss ko ang amoy nya pati sya lahat sa kanya namiss ko pero may pati sa isip ko na galit ako sa kanya sa pagpapabaya nya sakin at paglimut. Nagulat sya ng tinulak ko sya palayo sakin may halong pagtataka at naiwan sa ere ang mga kamay nyang nkataas.
"Bakit ngayon kalang akala ko kinalimutan muna ako bat ngayon andito ka." di kuna napigilan ang pagtulo ng akin luha sa mata. tuloy-tuloy lang ito at ayaw tumigil.
"Sorry babe i'm asshole" hinawi nya ang konting buhok sakin muka at nilagay sa tenga. pinunasan nya rin ang akin luha at muling niyakap.
"Sorry di ko kasi alam ang magiging reaksyon ko lalot na't di kami magakkasundo ng parents ko. pero mahal kita at ang magiging baby natin mahal na mahal kita Julie. Sorry patawarin muna ako sa naging asal ko" Naramdaman ko ang luha nya sa leeg ko. umiiyak ba sya kaya para makasiguro ay nagangat ako mg muka para titigan sya at doon ko nakita ang mga luha sa kanyang mga mata. Sinobsob kung muli ang muka sa dibdib nya at muling yumakap sa kanya biglang lahat ng galit ko sa kanya ay nawala ng parang bola.
"Kamusta kayo ng baby natin"
"Okay naman kami healthy naman sya may check up ako bukas at mamalaman kuna gender nya" Niyakap nya ko ng mas mahigpit pa ng may marinig kqming boses ay naglayo kami.
"Ehem dito ba dapat sa kusina ang lambingan" Tumatawang sabi ni nanay samin.
"Aalis muna ako anak andito naman si john babalik ako mamaya" Paalam ni nanay sakin saka umalis.