Kinausap ako nang tatay at nanay ko kung pwedeng wag nako bumalik sa abroad tutal naman daw madami na ko naipon at kung pwede maghanap nalang daw ako nang trabaho dito kasi mas gusto daw nilang andito ako kesa asa malayo mas gusto daw nilang kasama ako kahit mahirap ang buhay. pumayag naman ako. tumawag ako sa amo ko sa abroad to tell her, buti nalang naintindihan ny. kaya naman kinontak ko yung dalawa kung kaibigan at nagtanong kung may alam silang pasukan ko. Sumagot naman si diane na kung pwede daw ako bukas pumunta at magdala ako nang resume ko sa pinapasukan nyang trabaho magkita nalang daw kami bukas. or dadaanan nya ko nang maaga para sabay na kami.
----------
Kinabukasan gumising ako nang maaga para makapaghanda Nagsuot lang ako nang pensil skirt at isang longsleeve na pang office attire na medyo fitted lumabas naman ang hugis nang katawan ko doon. saka ako nagsuot nang wedge shoes. Pagdating namin sa trabaho ni Diane Pinapunta nya ko sa H.R para magpasa nang Resume ko, nagpaalam na sya sakin kasi office hour na pinaghintay naman ako nang isang staff doon kasi tuloy interview nadaw ako may mga kasabay akong applicants na tila mga kabado sila sa interview. may narinig pa kung "masungit daw yung nagiinterview" . "gwapo daw ang boss dito" "aakitin ko sya,pagako na nadun sa loob "panloloko pa nang isang applikante sa kasama nya. Nagtawanan nalang sila siguro kailangan nila yun para marelax o irelax ang mga sarili nila. natawag nang lahat nang applicant ako nalang ang last. bat ang tagal nang isang yun lumabas.
"Miss De Guzman"tawag sakin nang magandang babae na medyo may edad narin. Nagtaas ako nang kamay at sumunod sa kanya. pero bago sya kumatok sinabiban nya ko na wag nerbyusin, tignan ko lang daw sa mata yung amo niya, tumango nalang ako at nagpasalamat. kumatok sya sa pinto saka kami pumasok. Pagpasok na pagpasok namin sa loob ramdam na ramdam ko ang lamig sakin tawanan dahil siguro sa lakas nang aircon sa kwartong ito.
"sir this is the last applicant for today" sabi nang kasama kung Secretary nya.
"okey thank you ms. Canon., you may go" humarap naman sakin si ms. canon at ngumiti sumenyas syang labas nako good luck, at tumango nalang ako at bumulong nang thank you. Nakatayo lang ako, habang hinihintay syang matapos kung ano man yung tinatapos nya nakatalikod kasi sya sakin.
"Maupo ka ms. De Guzman" naupo ako sa malapit na upuan sa lamesa nya, muka syang paos at parang masama ang pakiramdam. Nag bigla na syang humarap sakin pero laking gulat ko kung sino yung magiinterview sakin.
"Your hired love" saktong ikot nang upuan nya ang pagsabi nya na tanggap nako sa trabaho kahit pa di pa nya ko natatanong nang kung ano ano, at bakit parang masama ang awra nang muka nya at para syang may sakit tumayo ako para hawakan ang noo nya at napakainit nito.
"May sakit ka dapat makapagpahinga ka "nakatingin lamg sya sakin na parang iniistima ang sinabi ko.
"bakit may mali ba sa sinabi ko at nakatingin kalang sakin sir" at parang mas nagulat sya nang tawagin ko syang sir, sir naman talaga kasi nabasa kung sya ang CEO nang kumpanyang pinasukan ko.
"sorry di ko expect na dito ka sa company ko nagapply and you did'nt even tell me that you need work" nakataas parin ang isa nyang kilay habang sinasabi nya yun sakin. Bakit kailangan ko pa ipaalam sa kanya di ko naman sya jowa, jojowain ba ko nang gwapong to.
"di ko naman po alam sir na kailangan ko pa ipaalam sayo" naiinis kasi ako sa taong to 2 weeks na nya ko di tinatawagan tapos ngayon magkikita kami sa gantong sitwasyon at kala mo makaasta bf ko.
"you will start tomorrow and ms. canon teach you whats the rules and regulation." di nya sinagot ang tanong ko at di man lang sabihin kung bakit di sya tumatwag sakin. may pinindot syang telephone at tinawag nya si ms. canon. Pagpasok ni ms. canon sa Pinto.
"ms. canon paturo nalang sa bagong secretary ko yung mga dapat nyang gawin thank you" Secretary ako pakikipagusap ko sa isip ko, sumama nako kay ms. canon at nagpaalam kay sir.
--‐--
"ito yung mga dapat at di dapat mong gawin bilang bagong secretary ni sir. this week is may last week here as a secretary i have 5 days to teach you" Binasa ko yung mga nkasulat at ang nakapukaw nang akin pansin at Bawal mainlove kay John. bakit bawal.
"opps ang importante diyan wala ka mainlove kay sir bawal na bawal yun sa lahat nang impanya" nakangiting sabi ni ms. canon tinuruan ako nya ko nang mga paper works at mga schedule ni john madali ko naman natutunan yun kasi fast learner ako.
After a week umpisa na nang trabaho ko ako na ang bagong secretary ni sir. daming schedule for today Pumasok ako sa office nya para iinform sa schedule nya for today may 10am meeting sya with mr. tan. at 1pm with Ms. Sha. after ko sabihin yun sa kanya nagpaalam nako pero nagulat ako nang hawakan nya ko sa palapulsuhan ko nakatingin lang sya sakin na parang walang balak magsalita. kaya binawi ko ang kamay ko pra makaalis na. umalis ako nang di sya nagsalita. ano bang trip nun .
Napakabusy ko rin sa Umaga palang hanggang hapon. 5pm na nang nagout ako sa work. Naglalakad ako sa hallway nang may biglang humawak sakin sa palapulsuhan hinila at sinakay sa kotse it was John. Naupo sya sa driver seat at tumingin sakin.
"Lets Talk" Panimula nya
"ano pong Paguusap natin sir" nakatingin lang sya sakin habang nakababa ang dalawa nyang kilay. ano bang paguusapan namin nito. Umiwas sya nang tingin at Pinaandar nya ang kotse nya , habang nagdadrive at nakatingin lang ako sa bintana ayaw ko sya tignan, Pagkatapos nyang di magparamdam sakin ngayon sya aarte nang ganto sorry to tell him move on. .
Tumigil kami sa Condo nya alam kung dito ang condo nya kasi nakapunta nako dito. Pinagbukas nya ko nang pinto at hinawakan sa kamay ngunit hinila ko ang kamay ko mula sa kamay nya narinig ko nalang na nag tsk sya.
Sumunod nalang ako sa kanya kahit sa elevator e di kami nagkikibuan hanggang sa pumasok na kami sa condo nya.
"Ano po bang paguusapan natin sir at kailang dito pa sa condo mo" Panimula kuna kasi bakit nya ba ko dinala dito. Tumingin muna sya sakin. saka nagsalita
"pwede kang maupo" umupo ako kasi nakatayo lang ako sa pintuan. Di nako nagsalita at hinintay ko nalang syang nagsalit.
"Sorry i was to busy for the past 2 weeks, i have so many problem to solve " siguro nga di ako ganun ka importante para kalimutan nang dalwang linggo nalang. ano ako parausan lang nya. di parin ako kumikibo.
"okay pwede naba ko umuwi sir kasi di kuna po trabaho yung marinig pa eksplasyon mo" akmang tatayo na ko nang yakapin nya ko paharap ayaw kung bumigay sa oras nato kailang kung magpabebe. kinalas ko ang kamay nya na nakayakap sakin para makaalis na hindi naman na sya kumibo pa. umalis na ko at di man lang nya ko sinundan umuwi ako sa condo ko at doon umiyak bakit ganto bakit ako nasasaktan sa pagbalewala nya sakin tapos ganun ganun nalang.