FIFTY-ONE

2555 Words

ANIKA POINT OF VIEW "Bwisit, ang sakit pa rin kahit anong gawin ko," inis kong bulong sa hangin habang nagdadampi ng telang may yelo sa leeg. "Akalain mong magiging gano'ng tao siya. Hindi ko na-imagine na kaya niyang gawin ang mga ganitong bagay." "Oh? Napano ka?" biglang sulpot ni Rico na ikinatingin ko. "Bakit nandito ka? BABY," sarkastiko kong tanong. "Baby? Bakit, mahal? Gusto mong baby na ulit ang tawagan natin?" "Tuwang-tuwa ka pa. 'Wag ka ngang lumapit." Inis akong lumayo para hindi siya makayakap. "Bakit ang sungit mo na naman, baby?" "Baby mo mukha mo." Irap ko at dumiretso na lang sa sala para makapag-relax. "Napano ka ba? Mainit na naman 'yang ulo mo." "Ano ba kasing ginawa mo kanina? Anong baby? Hindi ba dapat ngayong araw kami maghihiwalay. 'Yon ang plano ko," reklam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD