RICO POINT OF VIEW "Pasensya ka na sa inasal ko noong nakaraang araw," mahinhin na paumanhin ni Nathasia. Kanina pa tumitibok nang malakas 'tong puso ko. Siguradong magagalit na naman ang asawa ko kapag nagkataong magising na siya at makita si Nathasia. "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo sa ngayon." Bigla niyang akmang hahawakan ang kamay ko na mabilis kong ipinunta sa isang gilid. Pawisan akong umayos ng upo habang pasimpleng lumalayo sa kanya. "Kinausap ako nila Lucy, maski sila na-disappoint sa ginawa ko. Kaya sorry talaga, ha?" "Oo, okay lang. Wala na sa akin 'yon. Maliit na bagay," sagot ko na may kasamang pilit na ngiti. "Nag-alala kasi kong nagbago na ang tingin mo sa akin. Magkaibigan pa rin naman tayo, 'di ba?" "Huh? Oo naman, don't worry. Wala lang talaga sa akin '

