ONE HUNDRED SIX

3175 Words

ANIKA POINT OF VIEW "Tita Prescila, ano po 'yang niluluto mo?" Parang masarap 'yon pero ang pangit ng itsura. Kulay gray na akala mo may langis. Pero ang sarap ng amoy. "Specialty daw niya 'yan," sagot sa akin ni Mama na nagluluto rin. "Tutulong na lang po ako sa inyo. Tutal sabado naman, wala pong pasok si Nathalie. Si Tito Raven po pala?" kunyari kong tanong at tinignan ko naman si Mama na pinapakiramdaman din ako. "Naku, wala siya. Bumalik siya sa kabilang mundo. May aayusin daw sandali." "O baka dahil hindi siya masanay dito?" pabirong sabat ni Mama. "Kilala niyo naman 'yon. Ayaw niya ng inuutusan siya at minamaliit. Kaya siguro hindi siya masanay dito sa mundo niyo. Lalo na diyan sa flower shop." Ngumiti na lang ako at tumulong kay mama sa pagpipirito ng manok na may harina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD