CHAPTER 17

3817 Words

RICO POV "Oh, may kasama ka ulit. Hi," bati niya kay Vanessa. Ngumiti lang siya at kumaway habang kumakain sa tabi ko. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Nakatingin sa'yo si Anika," dagdag niyang bulong sa kabilang tainga ko. "Pake ko ba kung nakatingin siya?" Mayabang kong sagot at nilingon din si Anika. "Hindi naman naging kami kahit kailan!" Pagpaparinig ko. "Ibang klase ka talaga," bulong ni Ace at nagsimula ng kumain. Pinipilit kong hindi na siya pansinin. Alam kong tama lang ang ginagawa ko. Hindi kami bagay at may iba naman na siya. Ayos lang ako. "Okay, aalis na ko. Pero i-kiss mo muna ko." May kumirot sa dibdib ko sa narinig ko na 'yon. Hindi! Hindi ka lilingon! Nanigas ang panga ko habang nagpipigil. "Kaya mo pa?" Ngisi ni Gino. Umirap lang ako at bumalik sa pagkain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD