ERIN POINT OF VIEW "Kumain ka na," bati ko agad kay Amiel nang dumating siya. May hawak siyang bote ng beer at hindi ako pinansin. Tumuloy siya sa kwarto at bigla na lang bumagsak sa kama na rinig na rinig mula dito. Asawa ko pa rin siya. Hindi ko siya kayang iwan kahit pa ganyan siyang tao. "Mama, ang sarap po talaga." "Sige lang, kumain ka lang ng kumain. 'Wag mo nang tiran ang papa mo. Ipagluluto ko na lang siya ng iba bukas," bulong ko sa kanya. Lalo siyang natuwa kaya napangiti rin ako nang todo. Tumayo na ko at inayos si Amiel sa kama. Pinalitan ko siya ng damit at hinubaran ng tsinelas. "Hanggang sa pagtulog ba ayaw mo pang bitawan 'yan?" angal ko habang nakikipaghilahan sa bote ng beer. "Mabait ako, 'di ba?" bulong niya sa tainga ko at nagulat ako nang yakapin niya ko pa

