CHAPTER 15

2789 Words

RICO POV "Ano bang minumuryot mo diyan?" Tanong ni Ace. Hinarap ko lang siya saglit at bumaling na ulit sa bintana. Gusto kong iwasan si Anika dahil sa nangyari kahapon pero gustong gusto ko rin siyang lapitan. Mukhang ayos na siya at tuwang tuwa pa silang dalawa ni Axel sa kabilang gilid. "Kung nagseselos ka talaga. Gumawa ka ng paraan para iwasan siya ni Anika," bulong ni Ace na kanina pa hindi mapakali. Nagbuntong hininga lang ako at hindi siya tinignan. Paano kung magkatotoo ang panaginip ko? Masasaktan ng dahil sa akin si Anika katulad ng nangyari kahapon. Mas inuna ko pa ang nararamdaman ko kesa bumalik sa kanya. Nawala siya sa isip ko at kung hindi pa siya isigaw ni Therese . . . baka tuluyan na siyang nawala. "Ano bang problema ni Rico?" Tanong ni Gino habang humaharap sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD