Nang makauwi si Alexis sa mansiyon ay diri-diretso niyang tinungo ang kwarto ni Ghian. But she isn’t there! “f**k! Where are you?!” naiinis na napasuklay siya sa buhok niya gamit ang mga daliri niya. Sigurado siyang hindi umalis si Ghian sa mansiyon dahil hindi naman ito nagtext o tumawag na aalis ito. And it’s almost dark, may pasok pa ito kinabukasan kaya malamang ay nasa mansiyon lang ito. Damn! Ngayon pa talaga ito wala sa kwarto nito kung kailan sabik na sabik na naman siya rito. Hindi na siya nakapag-isip pa ng matino at agad na lang siyang muling bumaba at hinanap ang mga katulong. “Where is Ghian?!” naiinis at malakas na tanong niya sa mga ito nang datnan niyang nag-uumpukan ang mga ito sa kusina habang nagluluto ng dinner. “Ay kabayo!” bahagyang napatalon at napasigaw

