Kinabukasan ay tuluyan nang nawala ang lagnat niya. Yon nga lang ay masakit naman ang katawan niya lalo na ang likod niya. Hinanap niya si Alexis sa loob ng kwarto niya ngunit wala na ito roon. Nagbabad muna siya sa bathtub niya pagkatapos ay naligo na siya ng tuluyan at bumaba na sa kusina. Nasalubong niya pa si Alexis na mukhang kakaligo lang din at paakyat na sa hagdan. “Mabuti at magaling ka na.” anitong nakangiti sa kanya at ginulo na naman ang buhok niya. “Salamat sa pag-aalaga mo sa akin Alexis.” Aniya na hindi makatingin ng diretso rito. “Don’t mention it.” Anito at hinawakan pa ang braso niya habang pababa sila sa hagdan. “Alexis, may alam ka bang lugar kung saan pwedeng magpamassage? Like spa? Masakit kasi ang katawan ko.” Aniya habang kumakain sila. “Yah but it’s under co

