Makalipas ang isang taon.. “Lunch na Ghian.” Napaangat ang tingin niya kay Oliver, ang isa sa mga katrabaho niyang lalaki na ngayon ay nakatayo na pala sa gilid ng mesa niya. Agad siyang napatingin sa wristwatch niya at nakitang alas dose na pala. “Kain na tayo.” Yaya naman sa kanya ni Teresa na officemate din niya. “Tara!” Inayos niya saglit ang ilang mga papeles sa mesa niya at tumayo na siya. “Gutom na ko!” reklamo naman ni Lena, isa ring katrabaho niya. Sabay-sabay na silang lumabas sa opisina nila para kumain sa malapit na karinderya. Dati, sa restaurant siya laging kumakain pero ngayong siya na ang bumubuhay sa sarili niya ay hindi na niya afford kumain sa isang restaurant. Paminsan-minsan ay kumakain siya kasama ang mga katrabaho niya sa fast-food chain pero bihira lan

