“Damn it pare! You are f*****g your step sister?!” agad salubong na tanong sa kanya ni Jiro nang datnan niya ito kinabukasan ng gabi sa isang bar. Napatayo pa ito nang malapit na siya rito. He had been trying to reach him since last night pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Probably he was still busy with Ghian’s friend kaya hindi niya ito nakausap maghapon. Mabuti na lang at nagkaroon na ito ng time ngayong gabi kaya makakausap na niya ito. “Will you keep it down?!” paangil niyang sabi rito. Luminga-linga pa siya para makasiguradong wala silang kakilala na nakarinig sa sinabi nito lalo na sina Fred at Marco dahil expected nilang darating din ang dalawa pang kaibigan nila. Umupo na siya agad sa upuan sa tabi nito at umupo na rin ulit ito nang masiguro niyang wala namang ibang naka

