Makalipas ang ilang buwan, bago matapos ang school year ay kinontak siya nina Jiselle. Iniinvite siya ng mga ito na mag bar daw sila. “Come on, Ghian, sumama ka na. Ang tagal na nating hindi nagja-jamming.” Muling yaya sa kanya ni Anna habang nag-uusap-usap sila sa group chat nilang apat. “Oo nga Ghian. Kailangan din ng karamay ni Eliza kasi break na sila ng boyfriend niya.” Sabi naman ni Jiselle. “Karamay?! Hello, kailangan ko itong icelebrate dahil single na ulit ako!” agad namang sabi ni Eliza na tila hindi man lang apektado sa pagbibreak nito at ng boyfriend nito. “Ok, fine.” Sabi na lang niya sa mga ito dahil sa totoo lang ay nami-miss niya na rin ang mga ito. Gusto niya naman at masaya naman siya sa bagong friends niya ngayon pero minsan ay nabo-bored siya sa mga ito kasi paran

