“I really, really miss you, Raiza. My dear little sister!” sabi pa niya nang pakawalan ako at walang babalang hinalikan ako nang mabilis sa mga labi. Hindi ko alam kung bakit sobra akong nagulat doon kahit madalas naman niyang ginagawa iyon noong bata ako. Pero noon kasi iyon. Noong wala pa akong kamuwang-muwang sa mundo. Ngayon parang nakakaasiwa na kasi matatanda na kami. “Hi, kuya!” sinikap kong huwag manginig ang boses ko kahit ang awkward ng pakiramdam ko. “Dito ka maupo sa tabi ko. Na-miss ko ang baby ko kaya tabi tayo,” excited na sabi niya at ipinaghila pa ako ng upuan, pagkatapos ay inalalayan pa akong umupo. Gusto ko sanang tabi kami ni mommy pero wala na akong nagawa. Magkatapat na lang kami ni mommy ngayon na nakangiti pa rin sa akin. “So, how are you, Raiza? Matagal-tagal

