Chapter 4 A Hard Day

1688 Words
Raiza’s POV Palabas na ako ng kuwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dahil nasa loob ito ng bag ko ay kinailangan ko pang kunin ito sa loob. Pero mahuhuli na ako kaya mamaya ko na lang titingnan sa sasakyan kung sino ang tumatawag. Ngunit tuloy-tuloy lang ito sa pag-ring kaya huminto ako sa sala para ilabas na ito mula sa bag ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa screen na ang mismong head ng forensic department ang tumatawag. Ibinaba ko muna sa maliit na mesa sa gitna ng sala ang bag ko, inayos ko ang tindig ko at bahagyang tumikhim bago sumagot. “Hello? Good morning, sir!” agad kong bati nang mag-connect na ang call. “Nasaan ka na, Raiza? We have an urgent work right now, and I want you to go straight to the scene. Papunta na rin doon ang ating team, kaya doon na kayo magkita-kita,” agad nitong utos. Sa tono ng boses niya ay mukhang mabigat na kaso ang hahawakan namin ngayon. Sa dalawang taong pagtatrabaho ko sa Qizam – isang pribadong kumpanya na nag-o-offer ng lahat ng klase ng forensic science’s needs para sa iba’t ibang klase ng krimen. Mahilig talaga ako sa mga crime investigative documentaries or movies. Kaya nga kahit gustong-gusto ng mga magulang ko na business course ang kunin ko ay hindi ako pumayag. I finished Bachelor of Forensic Science in Lyceum University. I took my postgraduate Diploma at University of Auckland in New Zealand. Thankful lang ako dahil very supportive ang parents ko sa pinili kong trabaho. Mahirap pero dito talaga ako nag-eenjoy ng husto. “Okay, sir. Saan po ba ang location? Palabas na po ako ng unit ko noong tumawag kayo,” bitbit ko na ang bag ko at palabas na rin ako ng pinto habang sinasagot ang tanong ng boss ko. Eksakto namang bumukas na ang elevator dahil may lumabas mula roon. Nagmamadaling pumasok ako roon at mabuti na lang wala nang ibang laman kaya madali ko lang napindot iyon para sa ground floor. “I will send the location to you. This one is really big and important, Raiza. The media people are already there and the whole world is waiting for the result. Maging ang lahat ng ahensiya ng gobyernong maaaring makatulong ay naroroon na rin,” mahabang paliwanag nito. Base sa tono niya ay hindi basta-basta ang kliyente namin ngayon. “Copy, sir,” iyon lang at pinatay na niya ang tawag. After a few seconds, he already sent me the text containing the location and additional information. I drove as fast as I can because the address is a bit far from from my place. As expected, napakaraming tao na ang naroon ngunit na-kordon na ang kabuuan ng lugar kung saan gagawin ang initial investigation. Nakita ko na agad ang mga kasamahan ko kaya dumiretso na ako sa kanila pagkatapos ipakita sa mga nagbabantay na pulis ang aking ID. “Raiza, we haven’t touched the body, yet. Only you are allowed to do so,” sabi sa akin ni Dave. Si Dave ay isang forensic investigator ng kumpanya, habang ako naman ay isang Medical Examiner. “Let’s go. Just make sure na wala munang makalalapit sa bangkay hangga’t hindi ko natatapos ang lahat ng kailangan kong gawin,” bilin ko sa kaniya. Tumango na ito at saka sumunod sa akin. Mabuti na lang mabilis at systematic ang lahat ng galaw ng mga kasamahan namin. Ready na rin ang lahat ng mga equipment na kakailanganin namin para sa pag-iimbestiga sa katawan. Inumpisahan na namin ang pag-iimbestiga sa katawan ng nagtapuang bangkay. Hindi ko naiwasang mapasinghap kanina nang mapagsino ang bangkay. She is Charry Makhalov! A Half-Filipino, Half-Russian international super model. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mahalaga ang kasong ito. Hindi lang siya basta-bastang modelo dahil siya ang pinakasikat at pinakamalaki ang bayad sa modelling world. We conducted all the necessary procedures and followed all the standard protocols before asking permission to transfer the body into our laboratory for further investigation. Binigyang daan ko muna ang documentation team na makuhanan ng larawan ang lahat ng anggulo. One of the most important part of the investigation is the documentation of the scene. It should be secured and recorded photographically and diagrammatically. “Raiza, the police are already asking if there is an initial report already that they can record?” Dave asked me after instructing our men to leave and go back to the laboratory. “Yes. Ako na ang bahalang makipag-usap sa kanila. Mauna na kayo sa laboratoryo at hintayin natin ang susunod na gagawin. We still need the consent of the family for the autopsy,” sagot ko. tumango-tango naman ito bago nagpaalam. Lumapit sa akin ang isang pulis na may kasama pang tatlong pulis din. “Good morning, Doctor, I am Lieutenant Riley Echavez, and this is my team. We are in-charge of this case,” pormal na pakilala nito sa akin. Ngumiti ako sa kanila at isa-isa rin silang nagpakilala. “I am Raiza Antoneth Sylverio, the Medical Examiner in-charge,” ako naman ang nagpakilala. Kasunod niyon ay ang mga tanong na nila. Halos madurog ang puso ko habang sinusuri ang kabuuan ng bangkay kanina. Ang maganda at makinis niyang balat ay napuno ng pasa at sugat. Higit sa lahat ay ang malaking ebidensiyang nagpapakitang pinagsamantalahan ito ng hindi iisang beses lamang. “Maaari na bang malaman ang dahilan ng kamatayan niya?” tanong ni Lt. Echavez. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Dalawang taon ko nang ginagawa ang trabaho kong ito pero hindi pa rin ako masanay-sanay kapag babae na ang labis na inaabuso. At ang pinakamalala pa nga sa lahat ay umaabot sa malagim na kamatayan ng nagiging biktima. “I’ll put everything into writing, but as for our initial findings, the victim was raped and killed. Hindi lang namin masiguro pa ang lahat dahil kailangan ng autopsy,” mabigat ang loob na saad ko. kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang ng kaharap ko. maging ang mga kasama niya ay napamura rin sa narinig. Well, sino nga ba namang hindi manggaggalaiti sa ganitong pangyayari. “Thanks for the information, ma’am. Any additional details that we can include to our report?” patuloy na tanong nito. Tumango ako. Dito na lalong bumigat ang pakiramdam ko. “I’m not a hundred percent sure yet, dahil gaya nga ng sabi ko, kailangan pa ng additional procedure to determine the real cause of her death and more. Pero gusto kong malaman ninyo na malinis na malinis na ang katawan ng biktima. Mukhang matalino ang gumawa ng krimen dahil halos wala kaming makitang ibang samples na maaaring magamit sa mas malalim na imbestigasyon. Let’s just hope that the autopsy will provide us all the necessary details we need,” mahabang paliwanag ko. they all heaved a sigh, at base sa mga itsura nila, malaking kaso talaga ang kakaharapin nila. Lalo at hindi basta-bastang tao ang involve. Pagkatapos ng ilan pang pag-uusap at tanungan ay sumabay na ako sa paghahatid ng bangkay sa morgue. Naabisuhan naman na raw ang pamilya ng biktima kaya maaaring papunta na rin sila roon. Tinawagan ko na rin ang boss ko at isinalaysay sa kaniya ang mga nangyari. Our company is the biggest and most trusted Forensic Science company in the country. Kaya karamihan ng mga kliyente namin ay talagang mga bigatin. Pagdating ko sa aking opisina ay agad akong naupo sa swivel chair ko. Sumandal at pumikit muna ako saglit dahil hindi ko maiwasang hindi magalit dahil sa nangyari sa biktima. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ng pamilya niya kapag malaman nila ang tunay na nangyari sa kaniya. Sa trabaho kong ito ay iyan ang isa sa pinakamahirap gawin. Iyong ipaliwanag sa pamilya ng mga biktima ang dahilan ng kamatayan ng mga ito. Lalo na kung ang nasabing biktima ay ginahasa o karumal-dumal na pinatay. Ilang minuto lang ay pumasok ang sekretarya ko dala ang ilang dokumentong kailangan kong pirmahan. Sa totoo lang sobrang busy kami ngayon dahil kaliwa’t kanan ang mga hawak naming kaso. “Ma’am totoo po ba iyong nasa balita?” maya-maya ay tanong nito. Kumunot ang noo ko at saglit huminto sa pagpirma saka ko siya tiningnan. “Ano'ng balita?” tanong ko. Halatang kinakabahan ito ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pagtatanong. “Laman po kasi ng lahat ng balita ngayon na iyong natagpuang bangkay ay iyong super model na si Charry Makhalov. Ayon din po sa lumalabas na balita, na-rape siya bago pinatay,” tumaas ang kilay ko, saka umiling. Ang bilis talaga ng media basta ganito ang usapan. Sabagay,hindi ko rin naman sila masisisi dahil napakasikat na tao ang pinatay. Yes! Her death is not natural, and it’s too painful even to me. “Yes. Pero, sinasabi ko sa iyo, ingatan mo ang lumalabas sa bibig mo dahil hindi tayo puwedeng maglabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa mga iniimbestigahan natin. Tanging ang mga pulis na lamang ang dapat maghayag ng official statements,” mahigpit kong bilin sa kaniya. Top priority sa trabahong ito ang confidentiality ng bawat impormasyon, lalo na ang mga kakailanganin sa korte. It’s the only way to preserve the credibility of our investigation. At siyempre ang pangalan ng kumpanya. “Yes, ma’am. Alam ko naman po iyon. Nalulungkot lang po ako kasi fan po ako niyang si Charry. Kahit sobrang sikat na siya, napakabait at mapagpakumbaba niyang tao. Kahit kailan walang naibalitang nagtaray iyan o um-attitude. Lagi rin siyang sweet sa mga fans kaya masakit talaga para sa amin ang sinapit niya,” maluha-lihang pahayag nito. Ako man ay labis na nasasaktan at nalulungkot sa sinapit ng kapwa ko babae. Kaya gagawin ko rin ang lahat para makamit niya ang hustisyang nararapat para sa kaniya. Nakasalalay din sa kalalabasan ng resulta mula sa aming laboratoryo ang mas ikalilinaw ng kasong ito. Bandang alas-singko ng hapon ay dumating na ang family consent para sa pagsasagawa ng autopsy sa bangkay kaya kinakailangan ko nang magtungo sa laboratoryo. Pagdating ko roon ay isinuot ko na ang usual suit ko. Narito na rin ang lahat ng mga kasama ko kaya nagpatuloy na kami sa pagsasagawa ng proseso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD