Marcus’ POV Hanggang ngayon ay magulo pa rin ang isip ko kahit malinaw naman sa akin ang lahat ng mga narinig ko. Lahat ng sinabi sa amin ni mommy ay puro kasinungalingan. I hated my father because I thought he abandoned us for another woman. Pero sa huli ay wala rin pala siyang kasalanan dahil nagmahal lang siya. Nasasaktan pa rin ako na ayaw niyang ipagamit sa amin noon ang apelyido niya ayon kay mommy pero nanaig pa rin ang pagiging anak ko. Nasabi na sa amin ng kakambal ko ang lahat ng kailangan naming gawin ngunit wala pa rin akong lakas para isagawa ang mga ito. “Ano’ng balak mo?” naputol ang pag-iisip ko sa tanong ni Marco. “I don’t know. Kahit totoo man ang lahat ng sinabi nila tungkol kay mommy parang hindi ko pa rin kayang gumawa ng dahilan para masaktan siya,” pagtatapat ko.

