Isang linggo pa ang matuling lumipas at ngayon nga ay ang araw ng interview ko para sa MBS Network Center. Executive assistant daw ang available na trabahong kailangang-kailangan nila ngayon. Doon sa production department ako nag-apply pero wala pa raw bakante roon kaya tinanong nila ako kung willing ba ako sa EA na trabaho. Pumayag na lang din ako kaysa naman maging tambay dito sa bahay. Lalo lang akong nalulungkot dahil hindi maalis-alis sa isipan ko si Marco. Kapag naging busy siguro ako ay unti-unti ko na siyang makakalimutan at hanggang sa tuluyan nang mawala itong lintek na nararamdaman ko para sa kaniya. Pagbaba ko ay agad na nabaling sa akin sa atensiyon ng lahat. Napangiti ako dahil nang sipatin nila ako mula ulo hanggang paa ay mukhang approved naman sa kanila ang suot ko. Isang

