Halos mapatili ako nang bigla akong hapitin ng lalaking nasa likuran ko at kabigin payakap sa kaniya. Isang malakas na pagsinghap ang kumawala sa akin nang mapagtantong kamukhang-kamukha ni Marco ang lalaking mahigpit na nakayakap sa akin ngayon. No! Actually, ito ang totoong Marco. Ang Marco na nakilala at nakasama ko sa isla. Pero nasa harap ko rin si Marco! Ano ba’ng nangyayari rito at parang mabibiyak na ang ulo ko sa kaiisip?! Nababaliw na ba ako? “Let go of her, Marcus!” pasigaw na utos ng Marco na nasa harapan ko. Marcus? Tinawag niyang Marcus itong lalaking may hawak sa akin ngayon? Teka lang, niloko ba ako ng lalaking ito at nagpanggap siyang si Marco para maangkin ako? Sa kaisipang iyon ay mabilis akong kumawala sa kaniya pero hindi niya ako binitiwan. Lalo pa ngang humigpit an

