Kabanata 2

1990 Words
I didn't waste any time and I quickly followed him while carrying my luggage. "Tara sa taas. Ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo. Pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo basta huwag kang mag-iingay dahil busy akong tao." bilin niya. Ha! Busy rin ako 'no! Anong akala niya sa akin? Tambay? Tutal nandito na rin naman kami sa Pilipinas, gagamitin ko na itong chance para maghanap ng bagong trabaho since I think I should give this a shot. At aalis din ako sa bahay na ito! Hindi ko kayang tiisin ang hambog na ito na makatira sa iisang bahay. "Magpahinga ka na. You've come a long way. Katukin mo lang ako sa kabilang kwarto kung may kailangan ka. Kung makakatulog ka ay gigisingin na lang kita para sa hapunan." ako malakatulog? Oh please. Buong oras na nasa eroplano kami ay tulog ako kaya gising na gising ang diwa ko. "M-may mga kasama ba tayo dito?" tanong ko bigla. I looked around. This mansion is too quiet. Parang wala tuloy nakatira. Papasa na itong haunted house kung hindi lang malinis at elegante.  "Meron. Paminsan-misan ay pumupunta dito ang katulong nila Mom at Dad para tulungan ako sa paglilinis. Madalas din ang mga kaibigan ko dito." sabi niya. So most of the time, kaming dalawa lang ang magkasama. Hay nako. Ano ba itong pinasok ko? I think I should blame my Mom for this.  Nang maka-akyat kami sa taas, timuro niya ang unang kwarto na makikita sa may kaliwa. Binuksan ko ito at pumasok na ako sa kwarto. Di na ako nagulat na maganda ang loob nito. Gray and violet ang theme nito. Ang classy tignan at medyo boyish din kung titignan mo. "Hey. Nandiyan na ang mga kailangan mo. I asked the maids earlier to check the guest room. Kumpleto na ang toiletries at may mga damit na rin kung kakailanganin mo. So I assume na wala ka ng kakailanganin. Wag mo na akong guluhin." sabi niya sa may pintuan saka ito sinarado nang walang pasabi. Damn that man! Hambog! Really? Is he joking? Well, yeah clearly he's not. Wala naman akong ibang magagawa dito. Humiga na lang ako sa aking kama at pinagmasdan ang buong kwarto.  *** 7 pm. An hour after I got here and still wala pa rin akong maisip na gawin. Sa buong isang oras ay nakatingin lang ako sa balcony at ineenjoy ang malamig na hangin. *kriiiing kriiiing* "Hey mom. What do you need?" sagot ko nang tumawag si Mom sa phone ko. "Nothing. Gusto lang kitang kamustahin. Are you okay there?" excited siya nang tanungin ako. Buti pa siya masaya. While me? I can't even do anything. "Yeah. For now. Bakit ba naman kasi kailangan niyo akong pasamahin dito eh." nakasimangot kong sabi. Sana pala ay sumama na lang ako sa kanila.  "Easy there, sweetie. I just want you to meet new friends. You can't contact yours in California since you're here." sabi niya sa akin. Parang nairita ako bigla sa sinabi ni Mom.  "Seriously mom? Friends? With a boy?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. I'm not good at making friends and she knows that. "You have too many boy friends back there in California, anak." she said to me. Well, that's because I knew them for too long! "Alright. I'll try." sabi ko pero para lang matahimik si mom. Now is not the time to argue with her. Baka sumama pa ang loob niya sa akin eh.  Lumabas ako ng kwarto sa di ko alam na dahilan. Siguro dahil bagot na bagot na ako. Bumaba ako at naabutan ko yung kasama ko sa kusina. Hindi ko naman alam ang pangalan niya.  "Hindi ka natulog." sabi niya ng maramdaman niyang nasa may kusina na rin ako. How did he know? "I'm not that sleepy." sabi ko na lang at medyo lumapit sa kanya.  "Nagluto ako ng dinner. Samahan mo akong kumain. Tatapusin ko lang ito." sabi niya saka niya nilagay ang beef steak sa isang malaking mangkok at naglagay na ng dalawang rice sa mga plato. "I'll help you." sabi ko sa kanya para naman kahit papaano ay may maitulong ako. I'm not that spoiled, you know.  "Don't bother. You're my guest. I should be the one serving you. Umupo ka na lang diyan." Turo niya sa counter kung saan may upuan at parang yung mga nasa bar. And because I don't want to make him mad, sinunod ko siya at umupo doon.  "Ayokong kumain sa malaking lamesa na nandoon sa dining table. Para saan pa ang malaking lamesa kung dalawa lang naman tayong kakain. Pero kung iyon ang gusto mo, sige pagbibigyan kita." sabi niya at ngumiti siya. Pero umiling ako. "I really don't mind. Mas gusto kong kumain dito." sabi ko sa kanya at tumango naman siya.  Umupo na kaming dalawa sa counter at sabay kumain. In fairness, he's a great cook. Magaling pala ang isang ito na magluto. Tumingin ako sa kanya habang kumakain ako.  "Pangit ba ang lasa?" nag-aalalang tanong niya. "H-ha?" nautal pa ako. Why did he caught me staring? "You're looking at me seriously." sabi niya saka niya ako hinarap. Damn. Why does this man have to be handsome like hell? Para akong hinihila ng mga mata niya. Masyadong mapungay. "W-wala naman. Masarap ang pagkain, wag kang mag-alala." panigurado ko sa kanya at saka naman siya bumalik sa pag-kain. "That's good to know. Ito ang unang beses kong magluto." sabi niya na ikinagulat ko. "This doesn't look like a dish of a person who just started cooking. I mean, you cook really well." sabi ko sa kanya. Grabe. Ang sarap nito tapos ito ang first time niyang magluto? The first time I cooked, muntikan ng sumabog ang buong bahay namin dahil naiwan ko ang kalan. "We have the Internet, Miss." sabi niya at tumawa ako nang bahagya.  "Lianna. Just call me Lianna." nakangiti kong sabi sa kanya. "Lianna." he said and nodded his head. "I'm Ace Montero. Sorry for the late introduction." he said and I chuckled. "Nice to meet you." sabi ko na lamang at ibinalik ang aking atensyon sa pag-kain. Ace is a good name. Unique. "That's it?" napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Kumunot ang noo ko.  "Uh, yeah? Your name is nice. It's unique." sabi ko na lang sa kanya. Maybe he's waiting for me to praise his name.  "Do you even know me?" nagulat siya sa sinagot ko. Maging ako ay nagulat sa tinanong niya. "I know you now. We just introduced ourselves." sagot ko at sumubo ulit ng kanin.  "Wow, so you really didn't know me?" hindi niya makapaniwalang tanong. What's wrong with him? "I grew up in California. I've never been here although my Mom is a Pure Filipina. You are Ace Montero and you are a son of my parents' friend. That's all I know about you." I told him.  "And here I thought I was known by many people all around the world." nagtaka naman ako. Pero mukhang napansin niya iyon kaya nagsalita siyang muli.  "I am very famous in the business world. All businessmen knew my name." he told me and I nodded.  "So, what are you exactly?" I curiously asked. "The CEO of Montero Hotel." he said and my eyes grew wide.  "You are the CEO?!" halos nasigawan ko siya. I know Montero Hotel! Of course I would. Sikat na sikat iyon for having hundreds of branches all over the world. My friends said that the CEO is a handsome bachelor but I never expected that he would be right in front of me! This is news! "Wow. This is the first time na nakakilala ako ng iaang taong hindi ako kilala." natatawa pa siya.  "I know your hotel. I just didn't know the CEO. I mean, I really don't care who the CEO is. But you're very famous when it comes to the ladies. Many of my friends fancies you." komento ko. Palagi niyang pinag-uusapan si Ace kapag magkasama kami. They're like his own fans club. "And you don't?" curious niyang tanong kaya napabuga ako sa iniinom ko. Umubo pa ako dahil parang nasamid ako sa sinabi niya. "Of course n-not. Why would I?" natatawa kong sagot. But I knew, what I said was not true. *** Ace's POV That was the first time I encountered someone who didn't knew me. Last time I checked, women would line up in front of me just to get their attention. After what she said, binilisan niyang kumain and things just got awkward. Nang matapos siya, nagpaalam na siyang magpahinga sa kuwarto niya. Lianna, huh? Napangiti ako pero agad akong sumimangot. Why am I even thinking of her? Binilisan ko ang paghuhugas ng plato para makapag-pahinga na ako. This has been a very long day. Nang matapos ako, umakyat ako sa kwarto at nag-shower. Inayos ko ang aking sarili bago ako tumungo sa kama. Pero bago ko pa iyon magawa, may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "What do you need? Pumasok ka." sigaw ko sa kanya mula dito sa loob ng kwarto. Binuksan naman niya ang pintuan at nakayuko siya ng pumasok. What the hell is her problem? "P-pwede bang makigamit ng banyo?" Napataas ang kilay ko sa kanya. Ano raw? "Are you kidding me, Lianna? You have your own." masungit kong sabi sa kanya. Nanatili siyang nakayuko kaya nagtaka ako.  "Hindi. W-wala kasing tubig para pagliguan ko. Sinubukan ko namang tignan pero parang nasira ko ata lalo. Tinignan ko naman sa baba, pero mukhang wala ka ng iba pang banyo. Pwede bang pagamit ako?" lumambing bigla ang boses niya at tinignan ako nang diretso sa aking mga mata. Nang gawin niya iyon, hindi ko na maiwasang mapatingin sa kanya. God, I've been avoiding to look at her angelic face since I saw her earlier! Pero nang lumambing ang boses niya, nawala ang binilin ko sa sarili kong huwag siyang pansinin.  "Ugh! You can use it. Bilisan mo at gagamit din ako." sabi ko sa kanya. Ugh! This frustrates me. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya at mabilis siyang pumasok sa aking shower room.  "Uhm, excuse me, Ace? Can you pass on my clothes? Nakalimutan kong dalhin dito eh." sabi niya sa loob ng banyo isang oras matapos niyang pasukin ang kwarto ko. She took long enogh! Ganito ba talaga ang mga babae? Akala mo naman may ginagawang ritwal sa loob ng banyo sa sobrang tagal. "Where are your clothes, Lianna?" pagtitimping tanong ko sa kanya. "Nasa gilid ng side table mo." tinignan ko naman ang side table ko at nandoon nga iyon. When did she put that there? Before I gave it to her, tinignan ko muna ito. Of course I didn't take a look at the underwear. Pink sweat shirt at gray sweat pants? I thought girls wear gorgeous lingerie  in their sleep? Hindi ko na iyon masyadong pinansin at binigay na sa kanya ang mga damit. Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng banyo. Bumagay sa kanya ang sweat shirt at sweat pants niya. Perfect match. "By the way, thank you for letting me use your bathroom. And, I'm sorry for leaving you clean the dishes. I should've helped." sabi niya at nag-pout. Oh, don't even start me with this! God, please! "Y-you're welcome." oh come on, bakit ako nauutal? Man up, Ace! Anong nangyayari sa'yo? "If you wouldn't mind, mauna na ako. Masyado na akong nakaistorbo sayo kasi. Again, I'm sorry and thank you. Have a good night, Ace." sabi niya. Mukhang nahihiya pa siya sa akin. "You too. Have a good night. I hope you can adjust here, soon." sabi ko sa kanya. Sincere kong sabi sa kanya. "I hope so too." sabi niya saka siya lumabas at sinara ang pinto. Napabuntong hininga ako ng malakas. Pumasok naman ako sa banyo at naligo na. So this is her scent? Hindi matapang ang amoy niya. It smells like strawberries. What the hell am I thinking? This is crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD