SUMASAKIT ang aking ulo nang madatnan ko na lamang ang aking sarili sa loob ng aking kwarto. Sapo ang aking noo ay pinilit ko pa ring bumangon sa aking kama, ngunit hindi pa man ako nakaaalis ay napaingit na ako nang makaramdam ng pananakit ng aking katawan, lalo na sa gitna ng aking mga hita. “A-aray,” bulong ko sa aking sarili bago marahang umupo. Haplos-haplos ko ang aking balakang habang sunod-sunod naman ang aking pagmumura nang ma-realize na masakit din ang aking panga. Bumalik ang lahat ng nangyari kagabi sa aking memorya. Para bang eksena sa pelikula na nag-play mula sa umpisa hanggang sa kadulu-duluhan ang aking naalala. “Kiryu Hensen,” inis kong tawag sa kaniyang pangalan dahil kagagawan niya ito. Paano ako makakapaglakad kung parang sinagasaan ng truck ang aking gitna? Natat

