PINILI niyang maging magkaibigan na lamang kami. Kahit na halatang napipilitan siya sa kaniyang naging desisyon ay tinigasan niya pa rin ang kaniyang loob, kasabay nang pagdedeklara na maging mabuting magulang na lang kami para sa aming anak. I couldn't help but to get startled by his conclusion. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako kayang pagkatiwalaan sa sikreto niyang iyon. Parang pinipiga ang aking puso kahit na sinabi niya pang mayroon siyang matinding dahilan kung bakit hindi niya kayang sabihin sa akin ang patuloy na gumugulo sa kaniya. “P-paano natin sasabihin sa anak natin?” he questioned after we got in his car. Mula nang tumigil kami sa pag-uusap tungkol sa aming dalawa ay si Hera na lamang ang laman ng kaniyang mga tanong at kwento. Ramdam ko ang pagtamlay ng kaniyang bo

