MASAYA akong sinalubong ng mag-ama nang gabing makauwi ako sa bahay. Both of them were happy to see me again after a week. Pinupog nga ako ng halik ng aking anak, halata rin na miss na miss niya ako dahil ayaw niya ring kumalas ng yakap sa akin, samantalang pinagmamasdan lamang naman kami ng kaniyang ama. “How’s my baby?” I asked my daughter, then I walked her to the couch, removing Ryu’s stares away from my mind. “She’s good. Malikot at madaldal nga lang. Nagpupunta rin kami sa bahay ko, doon kami natulog noong isang gabi,” Ryu answered as he followed our footsteps. Kinuha niya sa akin ang sukbit kong backpack bago niya binigyan ng isang matamis na ngiti. Mabilis ko namang iniwas ang aking tingin at hindi ko siya pinansin dahil sa nakaramdam ako ng pagkailang sa kaniya. Inutos ko na

