I didn’t see him when I woke up the next day. Wala na siya sa aming kama kaya kaagad akong bumangon at lumabas ng kwarto upang hanapin siya. “Ryu!” I called his name as I climbed down the stairs. Nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng aming bahay, ngunit hindi ko siya makita. I walked towards the kitchen, hoping he was there, but he wasn’t. Tila may malaking truck na bumundol sa aking dibdib, bigla akong kinain ng masidhing takot na baka iniwan niya na ako. I just stood inside the kitchen, fighting my own fears. Pinipigilan kong huwag mag-isip ng kung ano-ano, pero lalo lamang akong pinapatay ng ideya na baka umuwi na siya ng Japan at mangyari na ang kinatatakutan ko. “Zemira, stop it. Stop thinking,” I told myself while I was on a panic mode. Patakbo akong umakyat muli sa hagdan at bumali

