CHAPTER 12

2146 Words
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere kasabay nang pagbangon ko mula sa pagkakahiga ko sa aking kama. My God, ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat; walang ginagawang trabaho. Nakakatamad at bagot na bagot ako kapag nandito lang ako sa apartment ko. Kung bakit kasi sinabi pa ng Don Felipe kahapon na hindi na muna ako pumasok ngayong araw?! E, samantlang kaya ko naman magtrabaho. Hindi naman ako nasaktan nang husto dahil sa nangyari kahapon. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas dyes pa lang ng umaga? Bakit parang ang tagal naman ata ng oras ngayon? Kanina pa ako nakahiga sa kama ko at nakatitig lang sa kisame, tapos hindi pa pala nag-iisang oras simula nang humiga ako? I really hate this day. Mabuti sana kung day-off ko ngayon ay okay lang, kasi alam naman ng katawan ko na kailangan ko talagang magpahinga. Pero itong alam kong weekdays ngayon... ano na lang ang gagawin ko? Mahaba pa ang araw. Hindi ko naman kakayaning maghapon ay makipagtitigan lang ako sa kisame at bilangin ang mga kabayo, tupa, kambing at butiki na dumaan sa isipan ko. Muli akong napabuntong-hininga nang malalim ’tsaka tumayo na sa puwesto ko. Lumabas ako sa kwarto ko at nagdiretso rin sa labas ng apartment ko. “Wala ka palang pasok ngayon, Psyche?” Tanong sa akin ni Aling Marites, kapitbahay ko. Nasa labas ito at nagsasampay ng mga nilabhan nitong damit. “Wala po. Bukas pa.” “Hindi ba’t hindi mo naman day-off ngayon? Bakit wala kang pasok?” tanong pa nito. “At isa pa...” anito nang mai-hanger ang isang puting damit at mailagay sa sampayan. Binitbit nito ang basket na wala ng laman at nagmamadaling lumapit sa akin. “...nakita kita kahapon, sakay ng isang mamahaling sasakyan. Aba, Psyche... nobyo mo ba ang naghatid sa ’yo? Ang guwapo ng lalaki huh! Mukhang mayaman talaga. Nako, kung ako sa ’yo Psyche... iyon na lang ang asawahin mo at huwag na si Joel. Kasi sa nakita ko kahapon sa lalaking kasama mo, paniguradong magbubuhay-prinsesa ka. Hindi mo na kailangang magtrabaho at tumira rito sa apartment na ito. Wala ka ng poproblemahin. At bagay na bagay rin kayo.” Walang prenong saad nito habang malapad ang pagkakangiti sa akin. Lihim na lamang akong napaismid at bumuntong-hininga dahil sa mga sinabi nito. Diyos ko, kahit kailan talaga, tsismosa itong si Aling Marites. Kung ano ang makita ay binibigyan agad ng meaning. “Kapag ikinasal kayo Psyche, imbitahan mo ako huh? Malamang na marami kayong handa at masasarap pa. Aba’y matagal na rin akong hindi nakakakain ng letsyon baboy.” Humagikhik pa ito. Pilit na lamang akong ngumiti rito. “Sige po Aling Marites, pupunta lang po ako sa park at magpapahangin.” “Sus! Ang sabihin mo, makikipagkita ka sa nobyo mo.” Anito na mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti. Hindi na lamang ako umimik at tumalikod na. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad ko kahit panay pa rin ang salita ni Aling Marites. Ilang minuto lang na paglalakad ay nakarating din ako sa park na nasa tapat ng bakery na pinagtatrabahuan ko dati. Ito rin ang park na madalas kong puntahan noon. Dito ko nakilala ang Don Felipe. Nang makaupo ako sa isang semento na upuan, kaagad akong humugot nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa aking dibdib. Pumikit ako at tumingala ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Pagkamulat ko sa aking mga mata ay ang kulay asul at walang ulap na kalangitan ang nakita ko. Napangiti ako. Biglang nawala ang pagkabagot na nararamdaman ko kanikanina lang. Mayamaya ay sumagi rin sa isipan ko ang inay at itay. “Kumusta po kayo riyan, inay, itay?” tanong ko at mapait na ngumiti. “Miss na miss ko na po kayo. Alam ko pong hindi n’yo ako pinapabayan at lagi kayong narito sa tabi ko.” Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi nang bahagyang mag-init ang sulok ng aking mga mata. Tumungo rin ako. “I love you, inay, itay.” Saad ko pa at nanahimik. “You’re beautiful.” Biglang nangunot ang aking noo at napalingon ako sa gawing kanan ko nang makarinig ako ng boses. Isang nakangiti at cute na mukha ng batang lalaki ang nakita ko. Nakatitig ito sa akin ng mataman. “Huh?” tanong ko. “I said you’re beautiful.” Bigla akong napangiti. “Thank you.” “What is your name miss beautiful?” tanong pa nito at walang paalam na umupo sa tabi ko at inilahad sa akin ang maliit nitong palad. Ah? Sa tantiya ko ay nasa pito o walong taong gulang na ata ito. Pero kung umasta tila isa itong binatilyo na lumapit sa akin para makipagkaibigan. Sa halip na tanggapin agad ang kamay nito, napatitig ako sa maliit nitong mukha. Ang ganda ng mga mata nitong kulay gray. Mapupungay at mahaba ang pilik-mata. Bata pa man, pero medyo makapal na rin ang mga kilay nito na siyang mas lalong nagpaguwapo sa mukha nito. Maputi at pinkish ang pisngi. Matangos ang ilong at may dimple pa. Kung hindi lang ito bata, sigurado akong kanina pa ako nagka-crush dito. Ang cute cute e. Ang sarap pupugin ng halik. At panigurado ako kapag lumaki ito, habulin ito ng babae. Napangiti akong muli at tinanggap ko ang palad nito. “I’m Psyche.” Pagpapakilala ko rito at nag-shake hands kami. “Ano ang pangalan mo?” “I’m Kidlat.” Ang ngiti sa mga labi ko ay bahagyang nawala dahil sa narinig ko. “K-kidlat? Kidlat ang pangalan mo?” tanong ko pa. “Yeah.” Walang-hiya! Magkapangalan pa sila. Pero okay lang. Bata pa naman ito at nakangiti pa sa akin. Hindi kagaya ng Kidlat na ’yon. Bugnutin na nga lagi pang magkasalubong ang mga kilay. “Nice meeting you, Kidlat.” “My pleasure.” Nakangiti pa ring saad nito. “Wala ka bang kasama? Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko pa habang inililibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng park. “I’m with my mom. Pero may kausap pa siya, so I decided to stroll first. And I saw you.” Napatango naman ako. “How about you? What are you doing here?” “Nagpapahangin lang.” “And you’re alone?” “Oo.” “This is my first time to came here. And I kinda like it.” Anito at inilibot pa ang paningin sa buong paligid. “Magandang tumambay rito kasi hindi mainit.” “Do you always come here?” “Dati, oo. Araw-araw akong nandito kasi malapit lang ang trabaho ko rito. Pero ngayon, minsan na lang.” “Why?” “Kasi busy ako sa trabaho ko.” “Is that so?” Tinitigan ko itong muli. Mukhang hindi ito bata kung makipag-usap sa akin. “Hindi ka ba hahanapin ng mommy mo? Baka mag-alala ’yon sa ’yo.” Mayamaya ay saad ko. “That’s okay. I’m with my bodyguard.” At itinuro pa nito ang dalawang lalaki na nakatayo sa ’di kalayuan. Parehong nakasuot ng itim na polo shirt. Nakatingin sa amin ang mga ito. Oh, mayaman. May bodyguards e. “I saw you earlier looking up at the sky. Why?” tanong ulit nito. Bumuntong-hininga naman ako saglit at tipid na ngumiti. “Kinakausap ko lang ang nanay at tatay ko.” Ito naman ang nangunot ang noo at tumitig lalo sa akin. “Why? Is your parents dead?” tanong nito. Tumango naman ako bilang tugon. “I’m sorry to hear that.” Anito. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan nito ang isang kamay ko na nakapatong sa isang hita ko. Tinapik-tapik nito ang likod ng palad ko. God, gusto kong matawa ngayon dahil sa batang ito. I mean, natutuwa ako. Hindi ko inaasahan na may makikilala ako ngayon sa pagpunta ko rito sa park. Tapos isang bata pa na parang matanda. Oh, how I wish na ganito rin si sir sungit! Nakangiti sa akin habang kausap ako. Hindi magkasalubong ang mga kilay. Tapos ang gaan kausap. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na marami na akong ikinukuwento sa batang ito. Ang daldal kasi e. Ang daming tanong. Pero masaya naman ako. At least, nawala na ng tuluyan ang pagkabagot ko simula kaninang umaga. “Señorito Kidlat,” Pareho pa kaming napatingin sa bodyguard nito na lumapit sa puwesto namin. “Yeah?” “Nariyan na po ang mommy ninyo. Kailangan na nating bumalik sa sasakyan.” “Alright.” Anito at kaagad na tumayo at humarap sa akin at muling inilahad sa akin ang kamay nito na tinanggap ko naman kaagad. “It was nice meeting and talking to you, miss beautiful.” Kumindat pa ito sa akin na ikinahagikhik ko naman. “Nice meeting you too young man. And nice talking with you.” Ginaya ko pa ang accent ng english nito. “I hope I can see you again.” Anito. “Tara na po señorito.” “Bye!” kumaway pa ako rito bago ito tuluyang tumalikod at umalis na kasama ang lalaki. Sinundan ko pa ng tingin ang dalawa hanggang sa makarating ang mga ito sa isang sasakyan na nakaparada sa labas ng park. “Nakakatuwa naman ang batang ’yon. Nako, paniguradong chick boy ’yon kapag lumaki na.” Saad ko sa sarili ko. Muli akong humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere at tumingala uli. Salamat sa batang ’yon at gumaan talaga ang pakiramdam ko ngayon. Saglit pa akong nanatili sa puwesto ko bago ako nagpasyang tumayo na para umuwi sa apartment ko. Matutulog na lang talaga ako nito maghapon para hindi na ako mabagot ulit. Hahakbang na sana ako nang makita ko naman ang lalaking papalapit sa akin. Ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin nitong nararamdaman ng puso ko ngayong nakita ko ulit ang mukha niya. Naiinis ba ako, nagagalit o ano? Hindi ko masabi. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya nang huminto siya dalawang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Seryoso pa ang titig niya sa akin. Ah, wala namang bago roon. Simula umpisa ganoon naman talaga ang hitsura niya kung hindi magkasalubong ang mga kilay niya. “I need to talk to you.” “Look mister... kung narito ka para kausapin ako tungkol kay—” “That’s the reason why I came here to see you.” Saad niya hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko sa kaniya. Napatiim-bagang ako at tumalim ang titig ko sa kaniya. “How much do you want?” “Hindi ko alam at hindi ko inaasahan na sa kalalaki mong tao ay dinaig mo pa ang babae sa panghuhusga sa buhay ng ibang tao.” Saad ko sa kaniya. “Alam mo, hindi ko kailangang magpaliwanag sa ’yo kung anuman ang namamagitan sa amin ng Don Felipe. Isipin mo na lahat ng gusto mong isipin na masama tungkol sa akin. Basta ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako nakikipag-flirt kay Don Felipe. At mas lalong hindi ko siya piniperahan gaya sa ibinibintang mo sa akin. At alam ko rin kung ano ang gusto mong mangyari kaya ginawa mo sa akin ang nangyari kahapon sa swimming pool area. Pero ito lang ang sasabihin ko sa ’yo... hinding-hindi ako aalis sa trabaho ko dahil wala naman akong ginagawang mali at masama. Lalo na, wala akong ginagawang kasalanan sa ’yo.” Pagkasabi ko niyon ay kaagad din akong tumalikod at naglakad na palayo sa kaniya. Pero mayamaya ay nagulat ako nang hablutin niya ang braso ko kaya napalingon ako sa kaniya. “We’re not done talking, Ms. Goncalvez.” Tiim-bagang na saad niya. “We are done talking, mister mapanghusga. Kaya bitawan mo ako.” Tinapatan ko rin ang matalim niyang titig sa akin. Oh, God! Kung sana lang talaga hindi kami magkaaway ngayon... one hundred percent sure ako na maglulupasay ako sa kilig ngayon dahil sa kaniya. But hell no! Naiinis na ako sa kaniya. Nagagalit na ako sa kaniya. “Sabing bitawan mo ako e!” pinilit ko pang bawiin sa kaniya ang braso ko, pero sadyang mas malakas siya kaysa sa akin kaya hindi ko magawang makawala mula sa kaniya. “Ano ba?” “Wala pang babae ang tumalikod sa akin habang hindi pa ako tapos sa pagsasalita, ms. Goncalvez.” “Wala akong pakialam! Bitawan mo ako kun’di sisigaw ako rito. Kilala ako ng mga tao rito kaya sigurado akong isang tawag ko lang sa kanila—” “Go on. Sumigaw ka. Ask for help.” Muli akong napatiim-bagang. Aba, sinusubukan ako ng lokong ito! Tingnan natin kung hindi ka matakot. “Tul—” Hindi pa man ako nakakasigaw, bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Ipinulupot niya sa baywang ko ang isang braso niya habang kinabig naman niya ang batok ko at walang paalam na inangkin ang mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD