CHAPTER 5

2415 Words
“GOOD EVENING, PSYCHE!” Bati sa akin ni Joel, kapit-bahay ko sa apartment na tinutuluyan ko. Nakatambay na naman ito sa tindahan ni Aling Norma habang kasama ang mga kaibigan nito. Tumayo ito sa puwesto nito at nagmamadaling naglakad palapit sa akin. “Good evening din, Joel.” Ganting bati ko rito. “Ginabi ka na ata ngayon ng uwi?” “Overtime ng apat na oras sa trabaho e.” “Apat na oras? Ang sipag mo naman.” Tipid akong ngumiti habang nagtutuloy pa rin sa paglalakad. Umagapay naman ito sa akin. “Alam mo naman noon pa na masipag na talaga ako.” Pabirong saad ko pa rito. Nagkibit-balikat naman ito at pagak na tumawa. “Sabi ko nga.” “Hoy Joel, gabing-gabi na pinupormahan mo na naman ’yang si Sayk.” Saad naman ng isang kaibigan nito. “Huwag ka ng mangialam diyan, Mike.” Anito. Lihim na lamang akong napabuntong-hininga nang malalim. Matagal na kaming magkakilala ni Joel. At simula nang mangupahan ako sa apartment na tinutuluyan ko ngayon, na katabi lang din ng apartment nito, hindi lamang iisang beses na nagtapat ito sa akin na gusto raw ako nito. Hindi lamang iisang beses na nagpaalam ito sa akin na kung puwede raw ay liligawan ako nito. Pero hindi lamang din iisang beses na tinanggihan ko ito. May hitsura naman si Joel. Mabait din. Marunong gumalang at rumespeto sa kapwa. Pero ni minsan ay hindi naman ako nagkaroon ng crush dito. Marami sa kapit-bahay namin ang laging nanunukso sa amin, sinasabing payagan ko na raw si Joel na ligawan ako tutal naman at parehong nasa hustong gulang na kami. Kay Joel daw ay secure na ang buhay ko at hindi ko na kailangang magtrabaho dahil isa itong Pulis. Pero never pumasok sa isipan ko na makipagrelasyon dito para lamang matulongan ako nito sa buhay ko. Bakit naman ako papasok sa isang relasyon na hindi ko naman mahal ang isang tao? At isa pa, bata pa ako. Malakas pa ang katawan ko. Kaya kong magtrabaho para kumita ng pera na ipangtutustos ko sa sarili ko. Kaya kong buhayin ang sarili ko kaya hindi ko kailangang iasa sa ibang tao ang kinabukasan ko. “Joel, hindi ka pa rin ba tumitigil sa panunuyo kay Psyche? Aba tol, maghanap ka na lang ng iba kaysa sinasayang mo ang oras mo riyan kay Psyche na wala namang gusto sa ’yo.” Saad pa ng isang lalaki. Nilingon ko ang kinaroroonan ng mga kaibigan ni Joel. Mukhang may tama na ata ang mga ito dahil sa alak na iniinom nila. Wala na kasing preno ang bibig sa pagsasalita. “Umuwi ka na Jay. Lasing ka na.” Saad ko at binilisan na ang paglalakad. Nakaagapay pa rin sa akin si Joel hanggang sa makarating kami sa labas ng apartment ko. “Pasensya ka na kay Jay huh!” anito na napakamot pa sa batok nito. Tila ito ang napahiya dahil sa mga sinabi kanina ng kaibigan nito. “Salamat sa paghatid kahit hindi naman na kailangan.” Sa halip ay saad ko rito at tipid na muling ngumiti. “Wala ’yon. Gusto ko lang siguraduhin na safe kang makakauwi.” Anito. “Um, by the way... may pasok ka ba bukas?” tanong pa nito. “Bakit?” “Ano kasi... gusto sana kitang ayain na kumain sa labas,” sabi nito. “Kung okay lang naman.” Dagdag pa nito. “Sorry Joel. May trabaho kasi ako bukas e.” “Ganoon ba?!” “Oo. Paano, papasok na rin ako. Late na kasi at maaga pa akong gigising bukas.” Tumango naman ito. “Okay. Good night, Psyche.” “Good night din, Joel.” Saad ko at nagmamadali ng pumasok sa apartment ko. Dahil nakaugalian ko ng magluto ng marami sa umaga bago pumasok sa trabaho, kaya pagkakauwi ko sa gabi nakakakain agad ako. Pagkatapos kong kumain, saglit akong nagpahinga bago naglinis naman ng katawan ko. Pagkatapos ay humiga na rin ako at natulog. Dala sa pagod dahil sa dami ng trabaho ko sa bar kanina, hindi ko namalayang nakatulog agad. Nagising lang ako kinabukasan dahil sa tunog ng alarm clock ko. Bigla akong napamulat ng mga mata ko at kinapa ang alarm clock ko na nasa ibabaw ng bedside table ko. Pinatay ko iyon bago ako tumihaya sa pagkakahiga ko. Nang madapo ang paningin ko sa bintana ng kuwarto ko, roon ko lamang nakita na medyo mataas na pala ang araw. Bigla tuloy akong napabalikwas nang maalala kong may pasok pa ako ngayon. “Oh, Diyos ko! Late na ako.” Sambit ko at nagmamadaling napatakbo ako palabas ng kuwarto ko upang tunguhin ang banyo. Kahit inaantok pa ay pumuwesto na agad ako sa ilalim ng shower at naligo. Nagising bigla ang buong sistema ko dahil sa lamig ng tubig. Hindi ko na nagawang kumain ng almusal ko. Nang matapos akong magbihis ay kaagad akong lumabas sa apartment ko. Jesus! Dala sa labis na pagod ko sa nakaraang gabi... hayan, late na tuloy ako. Alas otso y medya na. Babiyahe pa ako, paniguradong alas nuebe na ako makakarating sa trabaho ko. At panigurado akong tatalakan na naman ako ni Ma’am She. “Psyche.” Dinig ko ang boses ni Joel habang nasa labas na ito at papasakay na sa motor nito. “Nagmamadali ka?” “Late na ako Joel.” Saad ko. “Come on, ihahatid na kita.” Bigla naman akong napahinto sa pagmamadali ko. Napalingon ako rito. Thirty minutes na lang at alas nuebe na. Maghihintay pa ako ng jeep sa kalsada at malamang na traffic pa rin ngayon. Pero kung makikisabay ako kay Joel, hindi ako male-late ng ganoon katagal. Dali-dali akong bumalik sa puwesto nito. “Okay lang ba?” tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin. “Wait lang at kukunin ko ang extra helmet ko.” Anito at nagmamadaling bumalik sa apartment nito. Ilang saglit lang ay lumabas din agad ito at ibinigay sa akin ang helmet. “Thank you! Pasensya ka na huh? Napasarap ang tulog ko kaya late akong nagising kanina.” Ewan ko ba kung bakit nagpapaliwanag ako rito, e hindi naman ito ang boss ko. Matapos kong suotin ang helmet ay kaagad akong sumakay sa likuran nito. “Pagod ka siguro kagabi kaya hindi ka agad nagising.” “Sinabi mo pa. Pagod na pagod talaga ako kagabi.” “Ang sipag mo kasi e.” Anito. “Alright. Kumapit ka at paliliparin ko agad ito para makarating agad tayo sa trabaho mo.” Nang matapos nitong buhayin ang makina ng motor nito. Wala sana akong balak na humawak sa black leather jacket nito na nakapatong sa police uniform na suot nito, pero wala na rin akong nagawa. Kaysa naman mahulog ako rito sa puwesto ko. This is the first time na napapayag akong sumaby kay Joel, kaya hayon, ang mga mata ng kapit-bahay namin... nakatingin sa aming dalawa. Nagtataka kung bakit ako nakasakay sa likod ng motor ni Joel. Hindi ko na lamang pinansin iyon. Ilang sandali nga lang ay dumating kami agad sa labas ng Casa de Esperanza. “Thank you, Joel.” Saad ko nang makababa na ako. Kakamadali ko ay hindi ko tuloy matanggal ang helmet na suot ko. “Teka, tulungan na kita.” Anito at hinawakan pa ang kamay ko na nasa may leeg ko at sinusubukan pa ring tanggalin ang tali ng helmet. Napatitig na lamang ako sa nakangiting mukha nito habang nakatingin sa leeg ko. Mayamaya ay tiningnan din ako nito sa mga mata ko. Dahil sa pagkailang ko rito, mabilis akong nag-iwas ng tingin. “S-salamat.” Saad ko. Muli itong ngumiti sa akin. “Walang problema. Go on, pumasok ka na. Late ka na masiyado.” “Thank you ulit,” sabi ko at nagmamadali ng tumalikod at patakbong tinungo ang employees entrance ng hotel. Pagkarating ko sa locker area namin, naroon si Xia. “Bakit ngayon ka lang?” tanong nito. “Late akong nagising bes.” Nagmadali na rin akong nagpalit ng uniform ko. “Bakit ang aga mo rin ngayon?” tanong ko pa. “Tumawag sa akin kaninang madaling araw si madam mo. Sinabi sa akin kung puwede raw akong pumasok ngayon ng maaga kasi hindi siya makakapasok.” Napatingin naman ako ng diretso kay Xia. “W-wala siya ngayon?” tanong ko. “Absent siya kasi may lakad daw na importante.” Doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Hay! Ang akala ko ay double na naman ang talak na makukuha ko ngayong buong araw. Wala naman pala si Ma’am She. “You’re so lucky today. Kung nandito pa siya... nako, sinasabi ko sa ’yo bes.” Napahagikhik naman ako at napailing. “Oo nga. Mabuti na lang at wala siya.” “Psyche, bakit ngayon ka lang?” Napalingon naman ako sa may pinto nang pumasok doon ang isang katrabaho namin, si Jass. Nako, huwag lang ako isumbong ni Jass kay Ma’am She. Close pa naman ang dalawang ito. Kumbaga, ito ang tainga at mata ni ma’am kaya kahit wala ang manager namin, napapagalitan pa rin ako. “Um, na-late lang ng kaunti.” Saad ko. Inirapan naman ako nito. “Bilisan mo na riyan! Ikaw na ang pumunta sa swimming pool area.” “Bakit?” tanong ko. Every other day ang palitan ng schedule namin, kung sino ang tatao sa labas at sa loob ng bar. At kahapon, ako ang nasa swimming pool area. Pero bakit inuutusan ako nitong pumunta sa labas? “Ikaw na ang tumao roon.” Pagkasabi niyon ay kaagad din itong lumabas. Nagkatinginan na lamang kami ni Xia. “Tagapagmana rin ng Casa de Esperanza.” Turan ni Xia at natawa pa ng pagak. Napangiti na lamang ako. “Una na ako, Xia.” “PSYCHE, HIJA!” Biglang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang Don Felipe na nakapuwesto sa isang lounge chair na nasa gilid ng swimming pool area. May kasama itong dalawang matandang lalaki rin na sa tantya ko ay mga business partners nito. “Hello po Don Felipe, good morning po.” Nakangiting bati ko rito nang makalapit ako sa puwesto nito. “How are you hija? Nakauwi ka ba ng maaga kagabi?” “Opo. Maaga at maayos naman po akong nakauwi.” “Mabuti naman. I was thinking about you last night. Nag-aalala lang ako kagabi para sa ’yo.” Muli akong napangiti. “Salamat po Don Felipe.” “By the way mga kumpadre, she is Psyche. One of my favorite employee here in Casa de Esperanza.” Pagpapakilala sa akin ng Don sa mga kasama nito. Nakakahiya man dahil parang pakiramdam ko ipinapagmalaki ng Don sa mga kasama nito na paborito ako nitong empleyado sa hotel, pero pinilit kong ngumiti ulit sa dalawang matandang lalaki. “Good morning po mga sir.” “Good morning too hija.” “Good morning hija.” “Um, paano po Don Felipe... babalik na po ako sa trabaho ko. Enjoy po kayo.” Paalam ko agad dito. “Thank you, hija.” Anang Don bago ako tumalikod at naglakad na ako pabalik sa puwesto ko kanina. “Psyche, pasuyo naman... ikaw na ang maghatid nitong order.” Saad sa akin ni Xia nang makabalik na ako sa stall namin. “No problem. Saan ko banda ito ihahatid?” “Yong lalaking nakaputi, ayon oh.” Itinuro pa sa akin ni Xia ang lalaking nakapuwesto sa isang lamesa ’di kalayuan mula sa gilid ng swimming pool. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang makilala ko ang lalaking iyon. Si sir sungit pala. Mukhang busy ata siya at may laptop sa harapan niya. “Sige, ako na ang maghahatid.” Saad ko at kinuha na ang baso na iniabot sa akin ni Xia. Habang naglalakad palapit sa kaniyang puwesto ay hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya. Kahit naiinis ako sa kaniya dahil sa pagsusungit niya sa akin kagabi, it doesn’t matter. Nalusaw na ang inis ko sa kaniya dahil nakita ko na naman ang guwapo niyang mukha. Hanggang sa makalapit ako sa puwesto ni sir sungit. “Good morning po sir, here’s your order po.” Turan ko at inilapag ko ang baso sa lamesa niya. Kaagad naman siyang nag-angat ng mukha at tiningnan ako. Oh, God! Ang guwapo niya talaga. “What?” Oh, God again! Magkasalubong na naman ang mga kilay niya. Kailan kaya iyan maghihiwalay? “Um, o-order n’yo po sir.” “I didn’t order any drink.” “Po? E, sabi po ng kasama ko sa inyo raw po itong—” “I didn’t order any drink. You’re disturbing me.” Napatikom naman ako nang bahagya akong napahiya sa sinabi niya. Grabe naman! Hindi ko naman siya inisturbo a! Binibigay ko lang ang order niya. Sungit talaga nito! Malaki ata ang galit sa mundo! “Ah, miss. Order ko ’yan.” Napatingin naman ako roon sa lalaking nakapuwesto sa lamesang nasa likuran ni sir sungit. Nakaputi rin ito. “Order ko ’yan miss.” “Ah, s-sa inyo po pala ito sir?! Sorry po.” Napapahiyang saad ko ulit. Argh! Bakit kasi hindi ko napansin na pareho pala silang nakaputi? At itong si Xia naman hindi nilinaw kung sino sa dalawa ang sinasabi nito kanina. Napahiya tuloy ako. “Sorry po sir.” Saad ko pa kay sir sungit bago ko muling kinuha ang baso. Ngunit sa kamalasan ko naman at hindi ko maintindihan kong naubos ba bigla ang lakas ko dahil sa klase ng titig sa akin ni sir sungit kanina... hayon, nabitawan ko ang baso at natapon ang laman niyon sa laptop niya. Bigla siyang napatayo sa kaniyang puwesto. “f**k!” galit na sigaw niya sa akin. Ako naman ay biglang natigilan habang nanlalaki ang mga mata ko na nakatitig sa laptop niyang naligo na sa juice. Oh, God! What did I do? “Are you an idiot?!” galit na saad niya. “S-sorry... sorry po sir.” Tanging nausal ko nang mag-angat ako ng mukha at tiningnan siya. Halos mag-isang linya na ang mga kilay niya at matalim ang titig niya sa akin. Kung nakakatamay lang ang ganoong titig, malaman na bigla akong bumulagta ngayon sa harapan niya. “S-sorry—” “Sorry? You poured juice on my laptop. Damn it.” Galit pang saad niya ulit sa akin. Napayuko na lamang ako nang makita kong natuon na sa amin ang atensyon ng mga taong naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD