Chapter 4

1206 Words
Kinabukasan magkasama na naman sila siyempre ni Jackie. Nakatambay sila sa canteen dahil breaktime nila, at absent ang kanilang guro sa susunod na subject. Kaya naman wala silang pagmamadali sa kanilang pagmmimiryenda. “Hmmm, Trix. Si mi amore mo oh!” pukaw sa kaniya ni Jackie mula sa maarte niyang pagkain ng burger. Inginuso pa nito ang kinaroroonan ni Charlie, at ng mga kaklase nito. Agad naman ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Natatarantang dumampot siya ng tissue saka mabilis na pinunasan niya ang kaniyang nguso. “Ano bru, maganda pa ba ako? May tinga ba ako sa ngipin ko? Tignan mo nga at nakakahiya naman kung ngigitian ko ang aking bhe-bhe mi amore, tapos may tinga pala ako!” nagtinga pa siya gamit ang kaniyang dila, saka ipinakita kay Jackie ang kaniyang mga ngipin. “Wala na bru. Okay na wala kang tinga pero mun’ tanga ka lang. Natataranta ka diyan eh hindi naman lumalapit si bhe-bhe mo rito. Filingerang froglets huh!” tatawa-tawang saad pa ni Jackie sa kaniya. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan sabay bato ng tissue rito. “Tse! Baka mamaya magpunta rito, maganda na iyong ready ako ‘no!” sabay irap niya kay Jackie. “Ewan ko talaga sa iyo bru. I mean guwapo naman talaga si Charlie, pero ang dami mong kaagaw sa kaniya. Tignan mo nga iyang mga babaeng iyan oh,” iniikot pa ni Jackie ang paningin sa kanilang paligid. Ginaya naman niya ang ginawa ng kaibigan. Kitang-kita nga niya ang mga babae sa paligid nila na todo makapagpa-cute kay Charlie. Halatang halata na kinikilig pa ang mga ito sa presensiya ng binata. Agad nag-init ang kaniyang bumbunan sa nakikitang kaharutan ng mga babae sa kanilang paligid. “Pakialam ko naman sa mga hitad na iyan bru? Haller! Loyal kaya sa akin ang aking mi amore. See? Hindi man lang sila pinapansin ng aking bhe-bhe,” nakangisi pa niyang saad kay Jackie. “Hibang ka na nga. Kakaloka ka, jowa mo na ba? Sus, baka mamaya iyak-iyak ka diyan kapag nagka-jowa iyang mi amore mo,” napapailing pang saad ni Jackie sa kaniya. “Hmp! Hinding-hindi iyon mangyayari. Kasi ako lang ang jojowain niya pagdating ng tamang panahon!” confident niyang pahayag sa kaniyang kaibigan. Para pa siyang nangangarap ng lingunin niya ang kinaroroonan ni Charlie. “Ano Aldub lang ang peg? Sa tamang panahon.” Nagtawanan sila ng gayahin ni Jackie ang boses ni lola Nidora ni yaya dub. Natigil lang ang kanilang tawanan no’ng may lumapit sa kinauupuan nila. Sabay pa sila ni Jackie na napatingala upang alamin kung sino iyon. Namilog ang mga mata niya, nang makitang si Charlie ang lumapit na iyon sa kanila. Tila naumid ang kaniyang dila sa pagkabigla. Sinipa pa siya ni Jackie sa ilalim ng mesa dahilan para matauhan siya. “H-Hi Charlie,” napalitan ng matamis na ngiti ang kaniyang pagkagulat. “Hello! Pwedeng pa-share ng table?” nakangiting tanong nito sa kanila. ‘Ayyy, mi amore pwedeng-pwede. Gusto mo kandungin pa kita eh. Eeeiii!!!’ aniya sa kaniyang isip. “S-sure. Dito ka na oh,” ngiting-ngiting sagot naman niya rito saka umusog para bigyan ito ng space. “Thank you!” matipid na ngumiti ito sa kaniya, sabay upo sa kaniyang tabi. Kitang-kita nila ni Jackie ang pagtataas ng kilay ng mga kababaihan sa paligid nila. Isang mapang-asar na ngiti naman ang ibinigay niya sa mga ito saka siya nangalumbaba sa ibabaw ng mesa habang nakatingin kay Charlie. Pa-simple pa siyang sinipang muli ni Jackie, dahil baka matunaw na si Charlie sa paraan ng pagkakatitig niya rito. “Nasaan na iyong mga kasama mo kanina?” maya-maya ay basag ni Jackie sa katahimikan nila. “Ahm, ayun, kasama ang mga nililigawan nila,” sagot naman nito sa kanila habang kumakain ng burger. Yes burger din ang kinakain niya. Kagaya ng kinakain ni Trixie kanina. “Ayyy, buti na lang kasama nila iyong mga nililigawan nila ‘no?” nakangiting sabi naman niya rito. Muli siyang sinipa ni Jackie kaya umayos siya ng pagkakaupo bago muling nagsalita, “I mean, mga salbahe sila iniwan ka na lang nila basta-basta dahil sa mga nililigawan nila. ‘Yon, iyong ibig kong sabihin. Gano’n nga. Ehehehe,” palusot pa niyang sabi rito. Ngumiti lang ito saka muli nang hinarap ang pagkain nito ng burger. Habang siya naman ay ngingiti-ngiting pinagmamasdan ito. Tatawa-tawa naman si Jackie sa kaniyang harapan, kaya pinandilatan niya ito ng mga mata saka sinipa. Lalo itong natawa sa kaniyang kinauupuan. ‘Hay, sana palagi ka na lang iwanan ng mga kaibigan mo para palagi ka ding uupo sa tabi ko! At sana ako na lang iyang burger na kinakain mo, ayyy!’ parang timang pa niyang bulong sa kaniyang sarili. Kompleto na naman ang araw niya. Dahil hindi lang niya nakita si Charlie, nakausap pa niya ito. Sobrang kilig lang ang kaniyang nararamdaman ngayon. Feeling niya kasi nagiging malapit na sila ng binata. Pagkatapos nitong kumain ay nag-paalam na rin ito sa kanila. May klase pa kasi ang binata, habang sila ay mamaya pa ulit ang klase. Masaya siyang nakasalo ito sa miryenda kahit sandali lang. “Bye mi amore!” sambit pa niya ng nasa malayo na ang binata at siguradong hindi na siya maririnig nito. “Ang landi mo Trix!” bumubungisngis pang saad ni Jackie. “Hayyy Jack! Ito na kaya ang umpisa ng aming paglalapit ng aking my bhe-bhe mi amore?” wala sa sariling tanong niya sa kaibigan. “Malala ka na nga talaga!” naiiling namang sagot nito sa kanya. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Para siyang nasa alapaap ng mga sandaling iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi siya makapaniwalang lumapit, at kinausap sila ni Charlie bhe-bhe niya. “Uyyy Tol, bigla kang umalis kanina?” salubong ni Dex kay Charlie ng makarating siya sa kanilang classroom. “Eh busy kayo sa mga chicks niyo eh,” balewalang sagot naman niya rito. Inayos na niya ang kaniyang mga gamit sa kaniyang upuan saka naupo. Binuklat na niya ang libro para sa susunod nilang subject. “Hus! Nakita ka nga namin lumapit doon sa chicka babes ng section two eh,” panunukso pa nito sa kaniya. Napangiti naman siya sa sinabi nito. Muli rin niyang naisip si Trixie. Ang cute kasi ng dalagita habang pinagmamasdan siyang kumain nito kanina. “Uyyy! Anong ngiti iyan ha?” tanong pa nito sa kaniya. “Wala! Maupo ka na nga ng maayos diyan, baka mamaya abutan pa tayo ni Sir dito,” saway na niya sa kaibigan. Kibit-balikat naman itong sumunod sa kaniya. Gwapo si Dexter at hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Para kasing attracted din siya sa kaibigan. He hated that feeling! Hindi niya ma-classify ang sarili niyang kasarian. Cute sa kaniyang paningin si Trixie, pero naga-gwapuhan siya sa kaniyang kaibigan. Ano bang itatawag niya sa kaniyang sarili? Hindi naman niyang masabing bakla siya dahil naa-attract nga din siya sa babae eh. Naipilig niya ang kaniyang ulo. Masyado lang siguro siyang nag-iisip. Saka natural lang naman siguro ang maguwapuhan siya sa kaibigan niya, dahil guwapo naman talaga ito. Kagaya ni Maggy, nagagandahan din ito minsan sa mga babae. Ganoon lang siguro iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD