Sinundo ni Charlie sina Jackie at Trixie, upang sabay-sabay na silang magtungo sa kanilang graduation practice. Una niyang dinaanan si Jackie, dahil ito ang unang bahay na madaraanan niya bago makarating kina Trixie. “Uyyy, ang aga mo naman. Teka lang magbibihis lang ako tapos puntahan na natin si Trixie.” Paalam nito sa kaniya matapos siyang paupuin nito sa kanilang sala. “Oh, hijo, uminom ka muna ng chocolate para mainitan iyang sikmura mo.” Inilapag ng ginang ang tasa sa kaniyang tabi. “Maraming salamat po,” nakangiting tugon naman niya rito. “Wala iyon anak,” nakangiting turan naman nito sa kanya, “Mabilis lang naman magbihis ang batang iyon kaya pakihintay mo na lamang siya ha?” Tumango naman siya bilang tugon dito. Habang hinihintay nga si Jackie, ay inumpisahan na niyang higupi

