Matapos niyang tawagan si Trixie ay nakangiti na muling humarap sa mga bisita si Charlie. Tamang-tama naman dahil hinahanap din siya ni Marcela. “Mon amour!” tuwang-tuwang tawag nito sa kaniya. Agad naman niya itong sinalubong ng yakap. “Thank you for coming mamah!” aniya rito bago bumaling sa asawa ng kaibigan, “Thank you for coming with Marcela,” nakangiti niyang saad rito. “Hayyy, naku ano ka ba? ‘Di ba’t nangako ako sa iyo? Tinupad ko lang, by the way, kumusta na pala iyong gown na isinali ko sa fashion event sa Paris?” tanong nito sa kaniya. “Konti na lang mamah at matatapos ko na siya. Pero can you do me a favor?” aniya rito. “Sure, basta ba kaya ko eh,” nakangising sagot nito sa kaniya. “Can you finish the gown? I mean mga palamuti na lang naman ang kulang doon and I know that

