2nd year college… “Maggy, ang bilis ng panahon, 2nd year na tayo. Two more years graduate na tayo. Can’t wait!” excited na wika ni Trixie. “Oo nga eh. Nakaka-excite ang magiging career natin. Malilibot ko na ang buong mundo!” excited na sabi rin ng kaibigan. “Ay hindi ko bet ang mapalayo sa pamilya ko. Okay na akong dito lang sa atin. Madami rin namang opportunities dito eh,” sambit niya sa kaibigan. “Ah basta ako gusto kong makarating sa iba’t-ibang panig ng mundo! Kaya kakareerin ko talaga itong course natin na ito!” Tila nag-de-day dream pa ang loka sa pagsambit no’n. “Eh si Charlie nga pala nasaang sulok ng daigdig iyon? Madalang ko yata siyang makita lately ah?” tanong niya rito. Simula nang magkaalaman ng feelings, wala namang nabago sa samahan nila. Nagbo-bonding pa rin nama

