CHE-CHE POV Ngayon ko lang naranasan na magcelebrate ng birthday kaya naman sinulit ko talaga. Nalaman ko na ang asawa ko pala ang nagplano ng lahat ng ito. Ngayon ko napatunayan na sweet talaga siya sa tahimik na paraan. Pero mas lalo akong natuwa dahil dumating si Ana kasama ang isang gwapong pulis. At nakilala ko na ito pala si Asher. “Bubu, ang gwapo ni Asher diba?” Tanong ko sa asawa ko. “Boba,” nakakunot ang noo niya. Napangiti naman ako dahil halatang nagseselos siya sa sinabi ko. “Mas gwapo pa sa akin?” Parang bata na tanong niya sa akin. “Hmmmp.. Siyempre mas gwapo s–ikaw.” Nakangiti na sagot ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at napigilan ko ang bibig ko na biruin siya dahil baka bigla na lang siyang magtampo sa akin. Mahirap na at baka ako pa ang manuyo sa kanya. Ang sabi

