CHE-CHE POV Nagkabati na kami ni Jayson pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na hindi magpadala sa pang-aakit niya sa akin. Nakakainis lang kasi ito g bibig ko kung anu-ano ang lumalabas. Hindi ko sinasadya na sabihin na hindi siya magaling. Kasi sobrang galing niya kaya napalunok na lang ako sa kaba. "Relax, hindi kita pipilitin. Masunurin kaya ako." Nakangisi na sabi niya sa akin. Pumikit na ako na may kasamang paghikab para alam niya na inaantok na ako. Nagpapasalamat talaga ako dahil nairaos ko ang isang gabi na walang nangyayari sa amin. Masyado siyang gwapo para tanggihan pero kailangan ko panindigan ang sinabi ko. At ngayon ay inaakit na naman niya ako. Panay ang kindat niya sa akin na ikinaiinisan ko na. Paano ba naman kasi papansin talaga siya? Parang wala siya

