CHE-CHE POV Masakit mawalan ng anak. At sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko ay para akong namamatay. Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Umiiyak ako palagi ng mag-isa. Dahil sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko. Bakit kailangan na ang anak ko pa ang mawala? Alam ko rin na nasasaktan ang asawa ko pero pilit niyang ginagawa ang lahat para sa akin. Kaya kahit minsan nasasaktan ako ay tinatago ko sa kanya. Dahil ayokong ipakita sa kanya. Hindi ko na kayang ngumiti ng totoo. Dahil kailangan kong magpanggap sa harapan ng asawa ko. Na kailangan ko maging okay kapag nandito siya sa bahay. Kahit na ang totoo ay nawawalan na ako ng gana na kumilos at mahirap na sa akin ang ngumiti. Na mahirap ng maging masaya. Inaamin ko na nakaramdam ako ng galit sa asawa ko nang sabihin niya sa

