CHE-CHE POV Kahit na nahihilo ako ay mas pinili kong sumama kay Jayson sa Academy. Habang nasa biyahe kami ay tulog ako. Ginising lang niya ako pagdating namin sa Academy. “Boba ko, we’re here na.” Bulong niya sa tainga ko. “Inaantok pa ako.” Inaantok na sabi ko sa kanya. “Gusto mo ba na dito ka muna sa kotse? Babalikan na lang kita after my class.” Sabi niya sa akin. “Okay,” inaantok na sagot ko sa kanya. “Babalik rin ako kaagad. I love you,” bulong niya bago siya lumabas sa kotse. “Love you too.” Natulog na ulit ako. Pero nagset ako ng alarm na isang oras. Nang marinig ko ang alarm ko ay lumabas na ako sa kotse. Normal lang raw ito dahil buntis ako. Pero hindi ako natutuwa sa mga nangyayari sa akin. Naglakad ako papasok sa loob ng canteen. Masaya ako na si Joy ang nagpalit sa aki

