CHE-CHE POV Sa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas. “Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko. “Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa. Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa

