CHE-CHE POV Binalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko. Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher. Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang m

