Chapter 1

3425 Words
  Chapter 1     “HOY!” sikwil ni Aling Marsha sa anak na si Alexandria habang nakapangalumbaba ang dalaga sa harap ng binatana, na malamang kung ice cream lang ang tinititigan niyang kumpol ng mga basura ay tunaw na kanina pa. “Mama naman eh.” kakamut-kamot sa ulo na sabi niya sa kanyang iba at napaismid pa. Inirapan lang niya ito pero binalik din niya ang paningin sa mga basura na tinititigan niya. Anong saklap ng buhay? Ang Mama na lang niya ang natitirang kasama niya sa buhay matapos na sumakabilang bahay ang Papa niya kaya para lamang silang magkapatid kung magturingan kahit na may edad na ang ina niya at napakabata pa niya. Pumameywang ang may edad na babae sa may likuran niya. “Anong ma ka riyan? Ayusin mo nga sarili mo. Aba, mag-iisang linggo ka ng nakamukmok dito ah! Anak naman, kalimutan mo na ang nangyari sa iyo sa Palawan, hindi magandang baun-baunin mo ‘yon habambuhay.” nanulis pa ang nguso nito na parang sabitan ng kaldero. Napaismid siya nang palihim nang banggitin ng kanyang Mama ang tungkol sa Palawan memory na iyon na sobrang nagpapahirap ngayon sa kanya. Ang bwisit na supermodel na ubod ng sama ng ugali at ang super macho-gwapitong boyfriend niyon na si Marco Santiago Elizares ang dahilan ng pagmumuryong niya. Iyon ang dalawang tao sa mundo na dahilan ng hirap niya na makahanap ng panibagong trabaho matapos na mawala sa kanya ang kanyang pinagpaguran dahil lang sa walang katuturan na bintang at selos.     Kunot ang noo ni Alex nang makita ang kumpulan ng mga tao na halos hindi magkamayaw sa gilid ng dagat. Lumapit siya nang kaunti sa buhanginan para mapagmasdan nang husto ang mga bagong nagsisidatingan na pinagkakaguluhan. Ang natatanaw lang niya ay ang dumating na private yacht na hindi niya kilala kung sino ang may-ari. Baka mga turista iyon, sa isip niya. Dahil sa kyuryosidad ay nagtanong siya sa kanyang kapwa P. A na si Carmela, na nakilala niya nang sabay silang dumating sa Puerto Princesa kasama ang mga modelong pinagsisilbihan nila. They work as personal alalays. Personal assistants sa ibang tawag pero ganoon pa rin naman—atsay! “Anong meron Carmela? May pulitiko ba na dumating kaya hindi sila mapakali?” tanong niya sa babaeng ang lapad-lapad ng ngiti at malapuso ang mga mata. Sinulyapan niya ito pero ibinalik din niya ang paningin sa mga bagong dating. “Anong pulitiko, Alex? Mas pa sa pulitiko ang dumating.” Napatitig ang dalaga sa mukha ni Carmela na sa tingin niya ay kumikislap ang mga mata sa kilig. Namumula ang mga piangi nito na parang pinahiran ng blush-on. Nalukot ang noo niya. “Huh? Bakit si Donald Trump ba ang dumating?” clueless pa rin na tanong niya rito. Ang tanda naman nu Donald Trump para kakiligan pa ni Carmela. Tiningnan siya nito at parang hindi makapaniwala na hindi nga niya kilala kung sino nga ang mga dumating na turista. “Hindi ano! Boyfriend ng amo mo, hindi mo kilala?” takang tanong din ng babae sa kanya. Napakunut-noo lalo siya. “Boyfriend ni Ma’am Zoe? ‘yong si ano, si—sino nga ba ‘yon?” tumirik ang mga mata niya at lumiko ang labi sa pag-iisip hanggang sa maalala niya kaya napangiti siya nang maganda.  It’s a smile that no one can easily forget. ‘yon ang katangian niya na hinahangaan ng lahat, ang maganda niyang ngiti na dinaig ang model ng toothpaste sa TV. “E-Elizalde, Marco S-Santiago Elizalde? ‘yon ba?” tumaas-baba ang mga kilay ni Alex kay Carmela. Biglang natawa ang kaharap niya. “Oo. At hindi Elizalde, Elizares. Parang ‘di ka pa talaga sigurado ano. Ang sabi super duper—” anito pero naputol ang lahat ng kung ano pa man na sasabihin ni sa kanya nang  mapatulala ito sa may dagat. Napatingin siya sa gawi ng tinutumbok ng mga mata ni Carmela at laking nganga niya nang makakita siya ng anghel! Susko! Patay na po ba ako?! A man is walking towards them, sexily walking towards them. He doesn’t look like a model for he’s more than a model in her eyes. Ito ang lalaking bumaba mula sa yate? Napalunok siya at kamuntik na mawalan ng balanse. Napakagwapo ng lalaki! Pakiramdam ni Alex ay nag ice bucket challenge siya nang maramdaman niya na nanigas na siya sa kanyang kinatatayuan. Ipinako siya at hindi na siya ni makagalaw man lang. Susko…Nganga siya nang matitigan ang mukha ng lalaki sa malapitan. Nakasuot ito ng manipis na puting long sleeves at kita ang dibdib sa nakabukas na mga butones. Nakashort lang ito at tsinelas pero naman, muntik malaglag ang ngalangala niya sa kagwapuhan ni Marco Santiago Elizares. Sumulyap siya kay Carmela at nakita niya na literal na nakanganga ang babae kaya bigla na lamang siyang napabunghalit ng tawa. Tulo laway ang bruha. The man looked at her then smiled. Halos hindi siya makapaniwala sa karisma nito. What she has in mind is all about immortality. He looks so handsome and so charming, na para bang totoong nanggaling ito sa fairy-tale at pumunta sa reyalidad. He’s no doubt a prince charming; a god perhaps, o kung anong pwedeng itawag sa hitsura nitong walang katulad. Bagay ito at si Zoe. “Hi.” Marco Santiago even greeted them as his sexy lips curved in a simple smile. Simple ang ngiti na iyon pero pamatay. Even his voice is low, deep, husky and calm. Para bang ang lambing nito at palaging nanunuyo. Nakanganga na si Alex para batiin ito pabalik nang biglang niyang marinig ang boses ni Zoe. Ibinitin na lang niya ang dapat na sasabihin o mas tama na sabihing nilunok na lang niya. Si Zoe ang amo niya. Alex was hired as the model’s personal assistant. Nagkataon lamang iyon dahil ang dapat na naroon ay ang pinsan niyang si, Monica. Ang problema ay noong araw na magpapakilala sana iyon bilang assistant ay eksakto naman na nagka-trangkaso kaya siya ang ipinadala ng agency para sa model,  dahil kung wala raw P.A ay siguradong magwawala ang spoiled na babae. Personal recommendation naman siya ni Monica kaya hindi na siya tinanggihan ng ahensya. Zoe is a famous model, maganda matalino, bata. ‘yon nga lang ay masiyadong sumpungin at masama ang ugali nito. Siguro dahil mayaman kaya masiyadong maarte at walang pakialam sa damdamin ng ibang tao. Sa ilang araw niyang kasma ang babae ay masasabi niyang may problema talaga ito sa pag-uugali. Snob ito at talagang atsay ang tingin sa mga tulad niyang personal assistant. “Hi honey! What took you so long? “bati ni Zoe sa boyfriend nang makalapit, sabay kawit ng mga braso nito sa leeg ng binata at walang kahiya-hiyang hinalikan ito sa harap nila. Hindi pa kaagad sumagot si Marco Santiago dahil nakatingin pa sa kanya. Bigla siyang napayuko sa inakto ng dalawa. Hindi siya literal na nakakakita ng naghahalikan sa harap nang personal kaya ngayon ay parang siya ang nilalamon ng lupa dahil sa hiya. Siya pa talaga ang nahiya. Assumera siya kung iisipin niya na nagagandahan ito sa kanya pero nakatitig ito sa mukha niya kahit nariyan na ang girlfriend. Hindi siya nagagandahan sa sarili niya. Hindi siya kasingganda ni Zoe.  After a while Santiago answered. “I just met an investor and signed some important papers.” tugon lang nito pero alam niyang tinitingnan pa rin siya. Halos mangaligkig nga si Alex dahil hindi pa siya kailanman natitigan ng lalaki sa ganoong paraan. “Oh really?” ani Zoe na tatangu-tango pero ang mata nakatingin din naman sa kanya, na kung nakakasunog lang ang pagkakatitig nito ay malamang tutong na siya sa kinatatayuan niya ngayon. “And what the hell are the two of you still doing here?!” baling na nga nito sa kanila ni Carmela. Para na naman iyong sinaniban ng impakta. “Go back to your cabins and do your jobs! Tapos na ang pagtunganga sa isang Greek god. Damn it! “ singhal ng modelo sa kanilang dalawa. Nagkatinginan na lamang sila ni Carmela at saka mgkasabay at mabilis na tumalikod para lumakad papalayo. “Kala mo naman kung sino ‘yang amo mo. Bakit ka nakakatiis sa ugali niyan eh balitang-balita naman na talagang napakamaldita niyan?” sabay irap pa nito at umismid. Umiling na lang siya. “Hay naku Carmela, kung gusto mo ng trabaho lahat titiisin mo.” simpleng sagot niya sa kausap. Hindi niya pwedeng itimbang ang rason na ‘yon sa lahat ng pangangailangan nila ng Mama niya. “Hmp! Para tinitingnan lang ‘yong boyfriend niya eh, galit na galit na. Akala mo naman nanakawin.” alburuto pa rin ng babae. She never desired on looking back but her head tilted and found those adorable, piercing but alluring eyes of Santiago Elizares. The guy even managed to throw her a heart melting smile which made her heart churn. Nagmamadali niyang binawi ang mga mata at itinuon sa kanyang nilalakaran. Wala siyang karapatan na tumingin sa lalaking ‘yon. Kilig lang ang kaya niyang maramdaman dahil walang pag-asa na magmahal siya ng tulad ni Marco Santiago Elizares na ang taas ng uri ng pagkatao. Tama na siya sa tulad lang din niya na mahirap.   …   It’s night again and Alex’s outside her cabin. Maganda ang gabi at maliwanag ang langit. Kitang-kita niya ang mga bituin hindi tulad ng nagdaan na gabi ay makulimlim dahil sa ulan. Natatanaw niya ang spotlight kung saan naroon ang nagaganap na kasiyahan, kung saan naroon si Zoe at nakikipagsayawan. Mahilig sa ganoon ang amo niya. Mahilig iyon uminom at gumimik pero ano bang pakialam niya ay hindi naman siya ang nalalasing? Sanay iyon sa night life at hindi iyon nakukuntento sa loob ng tinutuluyan nila. Kung hindi iyon lumalabas ay lumalaklak ng alak o kaya ay naninigarilyo na parang walang bukas. May mga taong dumaraan papunta sa party pero mas gusto niya na manahimik mag-isa kaysa makisawsaw sa mga sosyal na tao na alam niyang hindi naman siya nababagay na makipagsaya. Mga ilang minuto na rin siyang nakatingala sa langit nang hindi niya mapansin ang lalaking lumapit sa kanya, na kung hindi pa iyon tumikhim ay hindi niya man lang iyon balak na tapunan ng tingnin. Akala kasi niya ay ordinaryong naglalakad lang at napagawi sa may harap niya. “Hi.” that familiar husky voice. Kasabay ng bating iyon ay ang paglundag ng puso niya sa pamilyar na boses ng lalaki. Alex abruptly looked at the man. Ganoon na lang na nabalutan ng paghanga ang sistema niya sa hitsura nito. Si Santiago… Nakapamulsa ito at relax na relax. “M-magandang ga-bi po.” kandautal na bati niya sa binata. Halos mapakamot pa siya sa ulo dahil sa tensyon. Ngumiti na naman ito sa kanya. Ang bait nito. “We haven’t met. You are?” he asked with his charming smile as his brows creased. Tumikhim muna siya. “I’m Alexandria, S-Sir. Alex for short po. “ yumuko pa siya nang kaunti at napilipit nang palihim ang mga daliri. Tumangu-tango ito at inilahad ang kamay sa kanya. Alex just looked at it. Atubili siya kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. Naiilang siya dahil isa siyang dakilang alalay pero ito ay nakalahad ang kamay para magkakilala sila nang pormal?  Wala naman talaga siyang alam sa nobyo ng kanyang amo. Ang alam lang niya ay napakayaman nito, ‘yon lang. Alangan naman sabihin niya na may hidden desire ito sa kanya ay hindi naman siya kasing ganda ni Zoe. Baka friendly lang ang lalaki, hindi tulad ng nobya nito na maasim pa sa sukang paumbong ang asim ng ugali at pagmumukha. Tinanggap na niya ang kamay ni Marco Santiago kaya lalong gumanda ang ngiti ng boyfriend ng amo niyang maldita, pero hindi pa man lang nanginginit ang palad niya ay sumulpot na nga ang bruha. “So... You left me in the middle of  the crowd to get your phone but I guess it wasn’t really about that damn phone.” malumanay ngunit may katigasang bigkas ng babae. Halatang galit ito batay sa panlilisik ng mga mata na nakatutok sa kanya. “Yes, I was about to get it but I saw your P.A.” kalmadong sagot lamang ng binata na bahagya pang nagkibit-balikat.  Umirap si Zoe at para siyang lalamunin nang buo. “I don’t care. Now get that phone and let’s go back!” naiirita pa ring wika ng babae na pinatirik pa ang mga mata kasabay ng pagsiklop ang mga braso sa dibdib. Santiago shook his head. “You know how I hate that kind of stuff, Zoe. Masiyadong maingay ang mga tao roon and masiyadong malalaswa.” sagot niyon sa babae na bagamat kalmado pa rin ay halatang naiinis na rin. “Fine! Now open your cabin’s door and let’s get in.” mataray na sabi ni Zoe pero walang babalang sinunggaban ang binata at hinalikan na naman sa harap niya.  “E-Excuse me ho, Ma’am, Sir.” aniya sa dalawa at yumuko pa siya. “Actually kanina pa dapat Alexandria. Besides, you should not be talking to my fiancé. You should know where you just belong.” diniinan pa ng bruha ang salitang ‘just’ pero ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. “Don’t be so rude, Zoe.” Malumanay na saway ni Marco Santiago na nakapulupot na rin naman ang braso sa katawan ng babae. Tumango siya nang marahan saka tumalikod na at pumasok sa sarili niyang cabin. Kung hindi lang niya amo si Zoe ay siguradong pinatulan na niya iyon. But it’s not her forte. Laban siya sa lalaki but not to her own kind, kaya kahit inaaway-away na siya at nilalait-lait pa ay mas nananahimik na lamang siya kahit may katarayan rin siya sa totoong buhay.  Malamang kung hindi niya amo si Zoe ay nakatikim na rin iyon sa kanya ng sabunot na tipong pang skwater sa oras masagad ang pasensya niya, pero dahil sa kailangan niya ng trabaho ay hindi na niya dinidibdib pa ang mga pasaring no’n.       Pictorial nang mga oras na iyon sa yate ni, Santiago. Kaya naman pala naroon ang binata ay sa dahilan na gagamitin ng mga modelo ang magarang yate na iyon na balita niya kay Carmela ay sa Paris pa binili at doon na rin pinaganda, na ang halaga ay five hundred million lang naman daw. Nasa loob sila habang nagbibihis ang mga modelo. Si Zoe ang suot ay ang itim na bikini na lalong nagpa-sexy sa babae. Talagang napakaganda nito at pwedeng sumali sa Ms. Universe, ‘yon nga lang ay may kasamaan ang ugali kaya ewan kung mananalo. Kagabi lamang ay kausap pa niya ang boyfriend nito pero hindi naman siya nagtagal dahil ayaw niya na makagalitan na naman siya lalo na’t ng mga nakalipas na araw ay palaging nanlilisik ang mga mata no’n sa kanya, kaya umiiwas na siya. Hindi naman siguro tama na sabihin niya na nagseselos pa sa kanya ang babae pero parang ganoon ang inaasal ni Zoe. Bitter iyon at parang batang aagawan ng kendi. “Hoy tanga! Nananadya ka ba talaga?” iyon ang mga salitang narinig niyang lumabas sa bibig ng amo na nagpatigil sa kanya sa pag-aayos ng mga gamit nito. Tumingin siya rito.  “Ma’am?” Wala siya ni katiting na clue kung bakit ganoon ang tanong nito sa kanya pero sa halip na sumagot ay bigla na lamang nitong hinablot ang buhok niya at pinagsasampal siya. Gulat siyang napailag pero hindi siya makawala. “Lumilipad ang isip mo dahil tanga ka! Slut!” gigil na asik nito sa kanya habang sinasaktan siya. “Aray ko Ma’am Zoe! “ aniyang pinipilit pigilan ang sarili na lumaban pero masakit na ang pagkakasabunot nito sa kanya. Umiiwas siya pero tinatamaan talaga siya nito. Naroong nagkagulo na ang mga kasamahan nila at pinipilit awatin ang babae pero walang makapigil rito. At ano ang itinawag sa kanya ng babae? Slut? At bakit? Nang hindi na makapagpigil si Alex ay nagkiskisan ang mga ngipin niya sa inis. “Aray ko sabi!” bulyaw rin niya rito sabay tabig niya sa kamay nito na nakahawak sa buhok niya, habang inginungud-ngod siya sa mesa. “Sumusobra ka na!” aniya sabay sampal rin sa amo nang makapihit siya at agad din itong sinabunutan. Nagpapalitan sila ng sampal at parehas na gustong kalbuhin ang isa’t-isa. Wala naman siyang ginagawa rito kaya anong karapatan nitonf saktan siya? Lahat ng bayad nito ay pinapalitan niya ng serbisyo kaya wala itong karapatan na umastang pag-aari siya na pwedeng saktan kung kailan maisipan. Ni nanay niya ay hindi siya napalo kailanman! “Baliw ka!” singhal ni Alex kay Zoe at saka niya ito marahas na hinila sa buhok. Iyon naman ang pagdating ng boyfriend nito na siya lamang ang nakapigil sa nagwawalang babae. “Zoe! Heaven’s sake! Stop at once!” Marco Santiago yelled and tried to grab Zoe’s elbows. Nanalilisik ang mga mata niyang tinapunan ng tingin ang Santiago Elizares na boyfriend nito mtapos silang mapaghiwalay. “Pagsabihan mo ‘yang girlfriend mo Mr. Elizares! Hindi komo at atsay niya ako ay pwede niyang gawin lahat ng gusto niya! Hindi kasama sa sweldo ko ang sampal at sabunot na inabot ko!” asik niya sa binata na hawak-hawak ng mahigpit ang dalawang braso ng girlfriend na parang bruha. She saw how Santi heaved a sigh, maybe controlling his temper. Ewan niya kung para kanino ang balasik ng mukha nito pero wala siyang pakialam kung magalit man ito sa kanya. “You slut! Mang-aagaw ng boyfriend!” baling pa ni Zoe sa kanya at iisahan pa sana niya pero nagtimpi siya. Naikuyom lang ni Alex ang kamao sa galit. “Shut up Zoe.” tanging saway ni Santiago sa girlfriend na halos parang baliw na kung mag-overreact. Napa-owww ang mga naroon pero hindi siya natinag. Ngumisi siya na tila ba nakakainsulto at umiling pa sa kabila ng maluha-luha niyang mga mata. “Ang baba ng self-esteem mo, palibhasa masama ang ugali mo kaya feeling mo kayang makuha ng isang katulad ko ang boyfriend mo! “ iiling-iling na sabi niya. Pinagtarayan pa siya nito at tila ba gusto pa siyang sabunutan pero hindi makawala sa higpit ng pagkakagawak ng binata. “I swear to hell na pagsisisihan mo ang araw na to na kinalaban mo ako! I’ll make your life miserable and will make sure you’ll never gonna get another job after this!” banta ni Zoe sa kanya. Napailing na lamang siya kasabay ng pagtulo ang luha niya na marahas naman niyang pinahid. Ganoon ang buhay mahirap api. What else is she expecting from this woman? Zoe is crazy. Ang laman ng utak nito ay ang nais lamang nitong paniwalaan. Tumalikod siya at walang paalam na lumabas ng kwarto na ‘yon, laglag ang balikat. What is the sense of explaining? Nothing. She immediately packed her things to leave. Bagamat mabigat ang loob niya ay wala naman siyang magagawa. Kahit na magkapatawaran sila ay hindi na rin magiging maayos ang trabaho niya kaya mas dapat na lang siyang umalis.     “Naalala mo na naman nga.” sabi ng Mama ni Alex sa kanya matapos niyang manahimik ng ilang sandali. “Anak, ‘wag mo na isama ang pangyayaring iyon sa buhay mo ngayon.” anito sa kanya habang nagwawalis sa may likod niya. Bumuga siya ng hangin. “‘Di mo naman ‘yon maalis sakin, Ma. Tingnan mo nga, tinotoo niya ‘yong banta niya sakin na sisiguruhin niya na hindi na ako magkakaro’n ng trabaho pa.” Hinagod ng Mama niya ang buhok niya. “Sus! Maniwala ka ro’n. Hayaan mo siya. Hindi naman na sa lahat ng pagkakataon ay ikaw na lang ang pagdiskitahan niya. Halos isang buwan na rin ang lumipas kaya malamang lipas na rin ang kamalasan mo anak.” Anang Mama niya. Napangiti na rin siya. Malakas talaga ang convincing power ng Mama niya. Naalala pa niya na halos magsiputukan na ang mga litid sa leeg nito nang ikwento niya ang pangyayaring iyon sa Palawan. Kulang na lamang ay kumuha ito ng itak at sumakay sa walis patungo roon para putulan ng leeg si Zoe. Kahit anong mangyari ay ito lang ang kaisa-isang kakampi niya sa buhay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD