PANAGINIP

1794 Words
CHAPTER 1                   Kitang-kita ko ang lahat. Naroon ako at nanonood lang ako sa kanilang ginagawa. Hinahalikan ng isang binata ang isang dalagita. Mga nasa tatlo hanggang lima ang agwat ng edad nila. Nakaunan ang dalagita sa hita ng binata na nakasandal naman sa may balon. Magtatakipsilim na noon. Nasa garden lang rin ako ng isang lumang bahay. Nakaupo. Tahimik na pinagmamasdan sila.                 Halata namang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Nangangako pa nga ang binata na hinding-hindi niya ito iiwan. Na kahit anong mangyari, magiging sila pa rin hanggang sa huli.                 “Paano kung malaman ng kuya ko o ng mga pinsan mo na may relasyon tayo?” Ang sabi ng dalagita na di ko maaninag ang mukha.                 “Paano nila malalaman kung itatago natin sa kanila?”                 “Bakit kailangan nating itago? Di ba mahal mo ako?”                 “Mahal nga kita pero ambata pa natin para magseryoso. Saka hindi pwede. Kasambahay lang namin kayo. Baka pagchismisan lang tayo.”                 “Oo nga ‘no? Pa’no pala ang kuya ko? Panigurado magagalit iyon kung di ko sasabihin sa kanya ang totoo?”                 “Paano naman niya malalaman kung hindi mo ipagsasabi?”                 “E, kung totoong mahal mo naman pala ako, bakit kasi kailangan nating itago pa kung anong meron tayo?”                 “Mga bata pa nga tayo. Ilang taon ka lang? Trese ka lang hindi ba? Ako naman e, 18 lang.”                 “Katorse na ako.” “Anong katorse na na ako? Trese ka pa lang e.” “Naaawa ako sa kuya ko. Para kasing niloloko na natin siya kasi tanong na siya ng tanong kung anong meron tayo..”                 “Ikaw? Ayaw mo na ba?”                 “Gusto. Kaso nga, iniisip ko rin ang kuya ko. Baka magalit sa akin ‘yon.”                 “Paano nga magagalit ‘yon kung di niya malalaman? Sige na nga, bumangon ka na baka makita pa tayo rito.”                 “Halikan mo muna ako.”                 “Eto naman, baka may makakita nga sa atin.” Pagtanggi ng binata.                 “E, di dito lang ako.” Pagmamaktol ng dalagita.                 “Sige na. Oo na. Eto na.”                 Nang hinalikan ng binata ang dalagita ay biglang may dumating na dalawang binata. Nasaksihan nila ang halikang iyon. Nagtatawanan ang mga binatang mukhang kaibigan ng binatang kahalikan ng dalagita. Mabilis niyang itinulak ang dalagita na para bang nandidiri siya. Ikinabigla iyon ng dalagita. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang ginawa sa kanya ng binata. Ang binatang kanina lang ay nagsasabing mahal siya.                 “Uyy insan, huwag mong sabihing pati katulong ninyo pinopormahan mo!” “Hindi ah. Hindi ako napatol ng katulong lang!” “E, bakit kayo naghahalikan?” tanong ng isa pang binata. “Wala. Trip lang. Kayo ba hindi nantitrip?” “Trip lang daw oh? Yung totoo insan, syota mo na ba?.” Hinila ng binata ang isang pinsan niya at binulungan. “Talaga? Gagawin mo ‘yon?” “Oo nga tumahimik ka lang.” “Sige, sabi mo ‘yan ha?” “Basta hindi na lalabas pa ‘to.” “Hindi na. Basta gawan mo ng paraan yang sinasabi mo sa akin.” “Deal”   “Blag!” Nagising ako sa lakas ng pagsara ng pintuan. Nakita ko si Elijah, ang aking long time live-in partner. Hindi ko tuloy matapos-tapos ang paulit-ulit kong napapanaginipang iyon dahil sa ingay na nilikha niya. Huminga ako nang malalim. Ayaw kong magalit. Palalagpasin ko ang lahat. Alam kong mahal pa rin ako ni Elijah. Hanggang sa nagulat ako nang may pumasok. Babae? May kasama  siyang babae? O naalimpungatan lang talaga ako? Bigla kasing nawala sa paningin ko ang babaeng nakita ko e. Inaantok pa rin ako. Pinagbigyan ko ang aking mga mata. Blaggg! Naalimpungatan uli ako. Isang mabigat na bagay ang biglang parang dumagan sa dibdib ko. Hindi ko na nagawang mag-inat pa. Nararamdaman ko kaagad ang kirot ng aking sintido dahil sa hang-over. Lasing na naman kasi akong umuwi kagabi at ginising na naman ako ng paulit-ulit na kadramahan ni Elijah. Tinabig ko ang may kabigatang bag na itinapon sa akin. Umupo muna ako sa kama at ginamit ko ang puting kumot para itago ang aking kahubdan. Kinusot ko ang aking mga mata saka tumingin ako kay Elijah na walang humpay na pagbubunganga. Naka-boxer short lang siya. Maputi ang makinis at alaga sa gym niyang katawan. Katawan at mukhang katakam-takam sa iba ngunit sa akin, nasanay na ako at kapag nasanay ka nang nakikita iyon, nawawala yung matinding pagkagusto o pagnanasa. Nawawala na ang init ng romansa. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako sa kanya ay nagpa-angkin. Medyo hindi ko lang makuha ang kaniyang ipinagpuputak nang umagang iyon. Madalas naman siyang mag-ingay ngunit kakaiba yung galit niya ngayon. Mas malalim. May ibang pinupunto siya. Hanggang sa naging malinaw rin sa akin ang lahat. Pinalalayas niya ako. Tama. Gusto niyang mawala na ako ng tuluyan sa kaniyang buhay.                 "Ang ingay naman. Pwede ba tumigil ka na!" bulyaw ko.                 "Umalis ka na sa condo ko!"                 "Paulit-ulit. Oo na! Antayin mo lang!"                 "Ngayon na! Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo rito." Ilang beses ko na kasing narinig iyon mula kay Elijah. Dahil sanay na, pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa. Inayos ko ang puting kumot na ibinalabal ko sa hubo't hubad kong katawan. Napapangiti ako habang ibinabalot ko sa katawan ko ang kumot na iyon. Dinaanan ko lang siyang ngumangawa at tinungo ang ref para makainom ng malamig na tubig. Sinundan niya ako doon at muling inihagis sa harap ko ang bag na ibinato niya sa akin nang tulog pa ako.                 "Ano ba talagang problema mo?" singhal ko.                 "Problema ko? Yung kakapalan ng mukha mo! Umalis ka na rito. Sobrang nagiging pabigat ka na sa buhay ko, Ava!" Nanggagalaiti siya sa inis.                 "Pinalalayas mo na naman ba ako?"                 "Oo! At ngayon sigurado na ako."                 "Pagkatapos ano? Magmamakaawa ka uli na babalikan kita? Tama na nga yang kadramahan na ‘yan. May almusal ba tayo?"                 "Ang kapal talaga ng mukha mo. Umalis ka na!"                 "Paano ako? Paano tayo?" Sinubukan kong pagsusumamo. “Isa pa, hindi ba’t ikaw ang may gusto nito? Pinag-resign mo ako sa trabaho ko dahil gusto mo masolo mo ako. Dinala mo ako sa condo mo para magsama na tayo. Hindi mo ako pinalalabas habang ikaw ay kung sinu-sinong mga babae ang kinakalantari mo. Tapos ako, gusto mong magkukulong ako dito. Uuwi ka kung kailan mo gusto para lang sipingan mo. Tama na Eli, may buhay ako at kung gusto mong maayos tayo payagan mo akong magtrabaho. Tigilan mo ang pambababae mo at titigilian ko ang bisyo ko!”                 "Wala nang tayo, Ava. Said na said na akong unawain ka. Bumalik ka na sa inyo. Hindi ko pinangarap magkaroon ng kinakasamang kababaeng tao ay kung sino-sino ang kainuman at uuwing laging lasing."                 “Pabalikin mo nga ako sa trabaho ko! Ibalik mo yung ipinagkait mong dating buhay ko! Magpakatino ka para magtitino rin ako! Hindi pwedeng ako lang, Eli. Hindi pwedeng ako lang ang magbago para maayos natin ito.”                 “Lumayas ka na! Ayaw ko na! Sawang-sawa na ako sa’yo!” "Ganoon na lang 'yun?" Bumunot ako nang malalim na hininga. "May..." Pagpapatuloy ko sana nang may babaeng lumabas sa CR na nakatapis lang ng tuwalya. Simple ang dating ng mukha, seksi, maputi at matangkad.                 "Siya ba? Siya ba ang putang-inang ipagpapalit mo sa akin? Kaya ka ba matapang ngayon?" Sumisigaw na ako sa galit. Bago kasi sa akin iyon. Oo, madalas niya akong pinapalayas, madalas kaming magtalo, madalas kaming nagbabangayan ngunit walang gano'n. Walang ibang babaeng sangkot na mismong nasa condo niya. Doon na ako kinabahan na tinotoo na niya ang madalas niyang sinasabi sa akin.                 "Tang-ina! Sino ba 'tong malandi na 'to ha Elijah? Babae mo? Tang-ina naman! Kumabit ka?" Galit na galit na rin ako.                 "Sis, huwag ka namang magmura."                 “Sis? Tang-ina! Kapatid ba kita? Puta ka! Malanding kang gaga ka. Kumakabit ka talaga.”                 “Kabit? Hoy babae! The last time I checked, hindi kayo kasal. Paano akong naging kabit e pareho lang naman tayong girlfriend?”                 "Aba't sumasagot ka pa na para kang may karapatan!" Dinuro ko siya. "Ano, Elijah, siya ang patitirahin mo at ako ang palalayasin mo?"                 "Oo. Tama ka! Ikaw ang palalayasin ko. Hindi siya kagaya mo, Ava. Nagtatrabaho siya, hindi man kasingganda mo, ngunit tang-ina Ava, mas matino siya sa'yo!"                 "Mas matino? Gago ka pala e! Pinatigil mo ako sa pagta-trabaho dahil nagseselos ka sa mga kasama ko sa office. Tapos sasabihin mo sa akin na mabuti sa kanya nagta-trabaho? Alam kong nambababae ka pero Diyos ko naman! Iuuwi mo talaga rito habang nandito pa ako?” “Kaya nga umalis ka na. Matinong babae ang gusto ko. “Matino? Kaya kong maging matino!” "Kailan? Antagal ng ganito, Ava."                 "Bigyan mo lang ako ng kahit konti pang panahon. Sige na, baby," pakiusap ko. Wala akong alam kasing pupuntahan pa.                 "Ayaw ko na. Itigil na natin 'to."                 "Agad-agad? Kumati ka lang, palalayasin mo agad ako?                 "Ayaw ko na nga! Ngayon, lumabas ka na! Hindi na kita kailangan pa! Hindi ko na kayang tiisin ka pa!" Lumapit siya sa akin at pinagtulakan ako ngunit hindi ako nagpatinag.                 "Huwag mo nga akong ipagtulakan! Makakatikim ka sa akin!" Tinabig ko ang kaniyang kamay.                 "At ano ha! Sasaktan mo ako?"                 "Isa! Tang-ina makakatikim ka talaga sa akin!"                 "Ang kapal ng mukha mo! Mahiya ka nga! Kung pinaalis ka na, puwede bang lumayas ka na agad dahil nakikitira ka lang naman sa akin!" Malakas ang pagkakatulak sa akin ni Elijah habang sinasabi niya iyon. Nasaktan ako. Napahiya sa ibang babaeng naroon na pangisi-ngisi pa. Parang noon lang din ako sobrang nasaktan na ipinagtutulakan na niya ako sa kaniyang buhay.                 "Tang-ina naman, Elijah!" Naubos na talaga ang pasensiya ko.                 "Kung di ka aalis, baka gusto mong tatawag pa akong guard para kaladkarin ka palabas sa condo ko! Hayop kang babae! Ang kapal talaga ng mukha mo. Lasinggera ka na nga, kung sino-sino pang kinakalantari mo!" sinampal niya ako.                 Ayaw mo ba talagang tumigil!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko.                 "Gaga ka!" Sinalat niya ang sinampal kong pisngi niya. "Ikaw pa ang may ganang manakit hayop ka! Tang-ina mong inutil ka! Malandi ka!" Nagwawala na siya sa sobrang galit.                 Ilang beses siyang nagpakawala ng suntok sa aking katawan. Gumanti rin ako ngunit iyon na ang naging hudyat para lumapit ang babae niya at pinagtulungan nila akong dalawa. Nagtagumpay silang itulak palabas ng condo. Basag ang aking mukha. Masakit rin ang buo kong katawan ngunit ang mas masakit ay ang tuluyan na rin akong isinuko ng taong tanging kinakapitan ko.                 Ngunit hindi ako basta-basta susuko. Ilalaban ko ang unang naging akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD