CHAPTER 87 “Anong gagawin ko ngayon? Anong mukhang ihaharap ko kay Carlo?” tanong niya sa akin. “Paano kung mabubuntis ako? Anong sasabihin ko kina Mama at Papa? Paniguradong pagagalitan nila ako. Ano bang ginawa mo? Paano mo ako napapapayag na magalaw mo?” Sa dami ng kanyang tanong, iisa lang naman ang pwede kong isagot. “Pakakasalan kita.” “Gano’n lang iyon?” tanong niyang humihikbi. “Bakit? May iba pa bang solusyon? Sa tingin mo, tatanggapin ka pa ni Carlo? Sa tingin mo, kung malalaman ng mga magulang mong sumama ka sa akin ng isang gabi, nabuntis kita at hindi na ako magpapakita pa, matutuwa silang ang anak nila ay binuntis at iniwan nang hindi pinapakasalan?” pananakot ko. “Diyos ko po! Ano itong nagawa ko? Bakit kailangang umabot po sa ganito?” Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan

