CHAPTER 53 Napasigaw ako. Inakala kong tinamaan si Tito ngunit hindi niya pinuntirya si Tito. Lahat ng bala ay sa taas ng ulo ni Tito dumaan. Nakita kong napaihi pa si Tito sa takot. Inakala naming dalawa ni Tito na katapusan niya na ngunit hindi iyon ginawa ni Lucas. Tumayo si Lucas. Muli niyang isinuksok sa kanyang baywang ang kanyang baril. Nanginginig siyang nakatitig sa drum. Ilang sandali pa ay humakbang na siya palapit sa drum. Sandali siyang tumitig saka hinaplos ng nanginginig niyang mga kamay ang drum. Dahan-dahan siyang yumuko. Gumagalaw ang kanyang mga balikat tanda ng kanyang paghagulgol. Itinukod niya ang kaniyang braso sa taas ng drum at doon ay nanatili siya ng ilang sandaling umiiyak. "Sa wakas Kuya Danny at kambal, makakalaya na rin kayo. Sa wakas, matatahimik na rin

