CHAPTER 78 Muli humakbang palayo sa akin si Isabella at tumalikod. Nakita kong parang inip na rin siya sa paghihintay ng masasakyan kaya panay ang tingin niya sa kalsadang puno ng kalesa ngunit may mga pasahero na at mga bus na dumadaan na lang at di na kumukuha ng mga pasahero pa. “Mahuhulog ka rin sa bitag ko, Isabella. Wala kang ibang pamimilian kundi ang gustuhin ako. Wala kang ibang pupuntahin kundi sa akin. Walang ibabg magmamay-ari sa’yo kundi ako lang. Akin ka lang. " Huminga ako nang malalim habang nakangising nakatingin sa babaeng una ko pa lang nasilayan ay nahulog na agad ang loob ko. Minahan ko na agad siya na hindi ko na kailangan pang alamin kung sino siya. Tanga na kung tanga ngunit minsan na lang ako makaramdam ng ganito kaya hindi ako makapapayag na hindi siya maging a

