“Addie, ayos ka lang ba? You look nervous,” natatawang pansin sa akin ni Marcus. Medyo alanganin naman akong napangiti sa kaniya. “Kinakabahan kasi ako. Ngayon pa lang ako makakasakay sa helicopter,” pag-amin ko. Umangat naman ang dalawang kilay niya. “Hindi ka pa naipasyal ni Marco gamit ang helicopter niya?” umiling ako. “Mahinang nilalang pala iyon, eh!” pambubuska naman niya. “Hindi naman. Wala pa lang kasi kaming time para mamasyal,” depensa ko naman agad kay Marco. Marcus gave me an amused look as his lips went upwards for a smirk. “Do you love my brother, Addie?” bigla ay seryosong tanong niya. Natigilan naman ako dahil nabigla ako sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang isasagot. Marco is very important to me, and I really like him. Totoong gusto ko talag

