“B-Bakit? Bakit ni’yo iyon ginawa sa akin? Ikaw? Magkaibigan tayo… paano?” gulantang na tanong ko kay Gino. Tumatahip ang dibdib ko dahil sa pagguhit ng kirot sa puso ko. “She blackmailed me. Alam niya ang sekreto ko kaya tinakot niya akong ibubulgar iyon kapag hindi ko siya sinunod. Noong panahon na iyon hindi ako puwedeng ma-expell sa school dahil kilala mo naman kung gaano kalupit si Papa. Pero, I swear, Addie, hindi ko alam na ang balak niya ay ipagahasa ka sa ibang lalaki. Huli na ng malaman ko, pero nakasama ka na sa ibang lalaki noon,” nakokonsensyang paliwanag niya. Ngunit hindi ko napigilan ang pag-igkas ng kamay ko at sinampal ko siya ng malakas. Napayuko siya at alam ko, kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha niya. “Ibig pa lang sabihin, kung hindi si Marco ang nakakita sa ak

